Kilala ang lahing Pinoy sa pagiging masiyahin.
Likas na sa atin ang pagkatuwaan kahit ang mga pinakasimpleng bagay, nakakatawa man sa iba o hindi.
Madalas na kapag may nasaksihan tayong kaibigan o kakilala na nadulas o nadapa, mas nauuna tayong matawa kaysa alamin kung okay lang ba siya o hindi. Mas nauuna pa tayong magtanong ng “Ilan ang nahuli mong palaka?” kaysa ng “Ayos ka lang?”
Ganitong-ganito ang naging reaksiyon ng ilan sa mga kasamahang hosts ni Vice Ganda nang aksidenteng mahulog siya sa upuan sa isang segment ng It’s Showtime.
Umugong din ang tawanan ng madlang people o live studio audience.
Minsan din itong nangyari kay Anne Curtis sa parehong programa nang magkamali siya ng hakbang sa hagdanan, dahilan upang madapa siya at mapaupo na lang.
Dumagundong din ang tawanan sa ilang mga co-hosts at sa studio audience ng programa.
At sino ring batang 80s o 90s ang makakalimot sa pagkakahulog noon ni Kris Aquino sa stage ng GMA Supershow?
Kung babalikan mo ang video na ito sa YouTube ay mababasa mo pa rin sa comment section ang ilang komento na ginawa na lang katuwaan ang nangyaring insidente.
May ilan rin naman syempreng nagpahayag ng pag-aalala.
Nitong weekend ay kumalat sa social media, lalo na sa TikTok ang isang video ni Philippine National Police (PNP) chief Debold Sinas.
Mukhang lumang video na ito at nakuhanan bago pa ang community quarantine sa bansa. Kapansin-pansin kasi na walang suot na face mask at face shield ang mga taong nasa video.
Makikita sa video ang paglapit ng PNP chief sa upuan hanggang madulas ito sa pagkakaupo.
Mukhang hindi nga niya napigilan ang pagkakadulas hanggang sa tuluyan siyang nahulog sa upuan.
Agad naman siyang sinaklolohan ng mga kasamahan at tinulungang makaupo na ulit nang maayos.
Narito ang buong video.
Tila nagkatuwaan naman ang mga netizens sa comment section ng naturang video.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento.