Julius Babao, inireklamo ang isang sikat na pizza restaurant dahil sa kaniyang ‘weirdest experience’

Viral ngayon sa social media ang social media post ng kilalang newscaster na si Julius Babao tungkol sa kaniyang ‘weirdest experience’.

Sa kaniyang post, ibinahagi niya ang kaniyang karanasan sa inorder na pizza sa Shakey’s.

“Look @shakeysph yung Pizza na inorder namin may PLASTIC!!!! Buti di namin nakain! #shakeys #shakeyspizza @dti.philippines Shakey’s Philippines”

Ayon sa video ni Julius, may plastic pa ang natanggap nilang order pizza.

Inilarawan din niya itong “the weirdest experience” para sa kaniya.

“Guys, dumating na yung order namin na pizza from Shakey’s. Itong… the weirdest experience namin, guys ‘no.

“Pinatungan ng cheese, ito o. Kaya pala ang hirap, kako, inii-slice ko kanina siya.

“Sabi ko, ‘Parang may plastic?’ So nung inangat ko ngayon guys, may plastic sa loob, see?”

“May plastic, tapos yung dough nasa ilalim, sa ibabaw, pinatong nila yung cheese dun sa plastic.”

“Buti hindi natunaw yung plastic, hindi sumama dun sa cheese kundi nakain namin yung cheese tsaka yung plastic.

“Nako, ano ba yan, Shakey’s. Anong nangyayari sa inyo?”

As of this writing ay mayroon nang mahigit 1.5K shares ang nasabing video.

Panoorin ang nasabing video dito.

Sa comment section ng nasabing post, nag-iwan ng mensahe ang nasabing pizza restaurant.

“Thank you for calling our attention on your delivery experience with one of our stores. We sincerely apologize for this unfortunate incident. We acknowledge that a mistake had been made by our staff and we will take this as an opportunity to learn and do better.

”We appreciate that you took our call last night and we appreciate your concern for our staff. We are currently undergoing a thorough and fair investigation to understand exactly what transpired, so we can reinforce our systems and procedures to prevent incidents like this from happening again, for any of our guests.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: