It’s Showtime, kumpirmado na ang pagiging Kapuso?

Tuloy na tuloy na nga ba ang paglipat ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime sa GMA-7?

Unang lumabas ang nasabing balita sa Philstar.com kung saan binanggit na ang Kapamilya show nga umano ang papalit sa nabakanteng noontime slot ng Tahanang Pinakamasaya sa GMA-7.

Hinihintay na lang umanong ma-finalize ang kasunduan sa pagitan ng ABS-CBN at GMA.

Matatandaang una nang lumipat sa GTV ang It’s Showtime matapos silang mawala sa noontime slot ng TV5.

At sa ngayon nga, kung matutuloy ang balita, ay sa main channel na mismo ng Kapuso network mapapanood ang nasabing Kapamilya show.

Ayon din sa usap-usapan, anumang araw ay magkakaroon na ng special announcement ang dalawang network tungkol sa nasabing paglipat.

Abangan…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!