Shakey’s, naglabas ng pahayag tungkol sa reklamo ni Julius Babao

Naglabas na ng pahayag ang Shakey’s kaugnay ng naging reklamo ng kilalang broadcaster na si Julius Babao.

Matatandaang nag-viral ang social media post ni Julius tungkol sa tinawag niyang ‘weirdest experience’.

RELATED STORY:

“Guys, dumating na yung order namin na pizza from Shakey’s. Itong… the weirdest experience namin, guys ‘no.

“Pinatungan ng cheese, ito o. Kaya pala ang hirap, kako, inii-slice ko kanina siya.

“Sabi ko, ‘Parang may plastic?’ So nung inangat ko ngayon guys, may plastic sa loob, see?

 

 

“May plastic, tapos yung dough nasa ilalim, sa ibabaw, pinatong nila yung cheese dun sa plastic.”

“Buti hindi natunaw yung plastic, hindi sumama dun sa cheese kundi nakain namin yung cheese tsaka yung plastic.

“Nako, ano ba yan, Shakey’s. Anong nangyayari sa inyo?”

Agad namang humingi ng paumanhin ang Shakey’s at inako ang kanilang pagkakamali.

“We at Shakey’s are grateful to Mr. Julius Babao for calling our attention to an oversight that occurred to his delivery order from one of our stores. We acknowledge that we made a mistake, and we will take this as an opportunity to learn and do better.

“We take feedback very seriously from all of our guests. As we would do with any guest complaint, we immediately reached out to Mr. Babao to initiate corrective action. His household graciously accepted re-delivery and replacement of his order today as per our standard procedure. We acknowledge Mr. Babao’s concern for our staff and appreciate his kind consideration.”

Basahin ang kanilang buong pahayag at paliwanag tungkol sa insidente.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: