Lookalike ni Jericho Rosales, usap-usapan sa social media

Pinag-uusapan ngayon ng netizens ang ilang larawan ng isang lalaki sa Moncayo, Davao Del Oro.

Ito ay dahil sa umano’y malaking pagkakahawig nito sa Kapamilya actor na si Jerico Rosales.

Sa Facebook post ni Hyobz Perez, ngbahagi siya ng ilang larawan kasama ang lalaking tinawag niyang ‘Kuys Echo ng Monkayo, Davao Del Oro.’

Mabilis itong nag-viral at umani ng iba’t ibang komento mula sa netizens.

As of this writing, mayroon na itong mahigit 10K shares.

Maraming netizens ang sumang-ayon na talaga namang mapapa-second look ka sa lalaki dahil sa malaki ang pagkakahawig nito sa kilalang aktor.

Malaki raw ang pagkakapareho ng mata, ilong, at maging ang buhok ng lalaki sa itsura ni Echo.

📸 Pitik ni Denden
📸 Pitik ni Denden

Sa ulat ng entertainment website na PEP.ph, nahanap nila at nakausap ang nasabing viral celebrity lookalike.

Nakilala ang lalaki sa viral photos bilang si Junrey Baug ng Monkayo.

Nagpakilala ito bilang isang construction helper.

“I’m Junrey Baug, 29 years old, at construction helper ang trabaho ko.”

Hindi na umano ito nagulat sa mga nagsasabing kahawig niya si Jericho dahil hindi na ito bago sa kaniyang pandinig.

“Matagal na, Sir.. Simula pa sa 15 ang edad ko, marami talaga ang sabi na kamukha ko daw si Echo. Kaya minsan nahiya ako.”

Sobrang masaya raw siya na naihahalintulad siya sa aktor.

Narito ang ilang komento ng netizens tungkol dito.

”Papasang kapatid ni Echo.”

”Kuhang kuha yung mata, buhok, pati dimples.”

”Ang galing! Malaki nga ang pagkakahawig.”

”Konting ayos pa at parang kakambal na.”

”Lamang lang ng maraming paligo si Jerico. Pero kamukha naman. Hehe”

”Pwede! Pwede na rin siyang sumali sa Kalokalike sa Showtime.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: