Lookalike ng ‘90s matinee idol na si Rico Yan, nakapukaw ng atensiyon ng netizens

Maraming netizens ang nakapansin ng pagkakahawig ng isang binatilyo sa sikat na ‘90s matinee idol na si Rico Yan.

Ilang larawan kasi nito ang lumutang sa social media na agad namang nakakuha ng atensiyon ng publiko.

RELATED STORY:

Si Rico ay sumikat noong dekada ‘90 at nakilala rin bilang boyfriend at ka-love team ng aktres na si Claudine Barretto.

Isa sa pinakatumatak na pelikula niya ay ang Star Cinema film na Got 2 Believe na siya ring nagsilbing huling pelikula niya bago siya pumanaw noong 2002.

Naging bahagi rin siya ng trio na Whattamen kasama sina Marvin Agustin at Dominic Ochoa.

Samantala, nakilala ang sinasabing lookalike ni Rico bilang si Alfonso ‘Alfy’ Yan-Tueres.

Si Alfy ay anak ng kapatid ni Rico na si Geraldine.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: