Willie Revillame, kinukuhang kapalit nina Tito, Vic, at Joey sa Eat Bulaga?

Maugong ang usap-usapan sa social media tungkol sa napipintong malaking pagbabago sa noontime show na Eat Bulaga!

Napapabalita ang umano’y mangyayaring reformat sa programa.

RELATED POSTS:

Kabilang umano sa magaganap na pagbabagong-bihis ng longest-running noontime show ang pagpapalit ng mga main hosts nito.

Ang haligi ng programa na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon na mas kilala bilang TVJ ang unang masasagasaan ng nasabing pagbabago.

Ayon sa report ng Bilyonaryo, nais nang kuhanin ni dating Congresman Romeo Jalosjos ang pamumuno ng TAPE, Inc. mula sa co-founder niyang si Antonio Tuviera.

Ang TAPE, Inc. ang producer na Eat Bulaga.

Ayon din sa nasabing report, hindi lamang umano si Tuviera ang nais patalsikin ni Jalosjos.

Maging ang trio nina Tito, Vic, at Joey ay nais na rin umano nitong mawala sa programa.

Nakikipag-usap na rin umano ito sa Wowowin host na si Willie Revillame upang alukin na maging bahagi ng pagre-reformat ng nasabing programa.

Maliban kay Willie, kabilang raw sa inaalok na maging main hosts ng bagong Eat Bulaga sina Wally Bayola, Jose Manalo, at Allan K.

Una nang ibinalita ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang umano’y pagkakaroon ng internal conflict sa pamunuan ng programa.

Dagdag pa ni Cristy, nagsimula na raw magkaroon ng problema ang programa bago pa man magkaroon ng pandemya.

“Alam mo merong isang source na ka-kuwentuhan ko kanina na hindi nanununog at hindi nangunguryente, bago pa pala nag-pandemya isyu na yan eh. Isyu na talaga yan.

“May gustong tanggalin talaga na nagmamando doon sa kabuuan ng programa.” 

“Yun pong mga host, existing hosts ng programang ito, kapag tinanggal yung pinag-iinitan na ehekutibo at namumuhunan, sasama silang lahat sa tao na yun… Mula Aparri hanggang Julo pinag-uusapan ‘to.”

Palagay din daw ni Cristy ay walang matitirang host at sasama doon sa umano’y pinag-iinitan na producer. 

Nang matanong kung sino kina Tito, Vic, at Joey ang pinag-iinitan, sagot ni Cristy na sila raw ang sasama.

“Sila yung sasama. Ayan ha binibigyan ko na kayo ng mga clue.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!