Boy Abunda, dismayado kay Liza Soberano?

Nagpahayag na kaniyang saloobin ang TV host-talent manager na si Boy Abunda tungkol sa isyung kinasasangkutan ng former ABS-CBN talent na si Liza Soberano.

Sa kaniyang GMA-7 talk show na Fast Talk with Boy Abunda, nagpahayag ng pagkadismaya ang batikang TV host.

RELATED POSTS:

“Disappointed po ako doon sa vlog, I am extremely. I’m not disgusted, but I am extremely disappointed with the vlog. Pero napakamalumanay ng pagkasabi ni Liza.”

Nilinaw din ng TV host kung saan siya nadismaya.

“Saan ako na-disappoint? Bilang manager at bilang fan.

“Let me talk first as a manager. Kasi po may mga complaints siya doon na ‘I had no voice, wala akong kinalaman, hindi ako tinatanong kung anong nangyayari sa aking karera. I was just working with three directors na paulit-ulit.’

“Masakit pakinggan kasi you were working with three of best directors in this country.”

“At bilang tagahanga, parang ang gusto kong sabihin, Liza, ang hinangaan namin hindi ikaw ‘yon.

“For the last 13 years, ang hinangaan namin hindi si Liza ‘yon.

“Medyo masakit din po pakinggan ‘yung ‘even the choice of my name’ na Liza, she had nothing to do with it.”

Nagbigay din ang TV host ng isang mahaba-habang mensahe para sa aktres.

“Pero Liza, Liza ‘yung ang hingaan namin, ‘yun ang kinilala namin.

“And what we knew at ang hinangaan namin was a good girl.

“Ang hinangaan namin was an excellent actor.

“Wag mong isantabi. Do not disregard your past.

“Do not disregard the 13 years na minahal ka ng mga fans mo. And do not disregard the hardwork that your managers put into who you are today.”

“You know Liza, I love you, if you’re watching this. Proceed with your career, wherever you want to go in gratitude.

“You know what you should do? Say Thank You. Because gratitude opens your heart and your life to more blessings.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!