‘Eat Bulaga!’ magre-reformat; Tito, Vic at Joey, liligwakin na?

Usap-usapan ngayon sa social media ang umano’y napipintong malalaking pagbabago sa longest-running noontime show ng bansa — ang Eat Bulaga!

Napapabalita na sasailalim daw sa pagre-reformat ang naturang GMA-7 show at kabilang na rito ang pagbabago sa mga kasalukuyang hosts.

RELATED POSTS:

Kabilang umano sa maaaring mawala sa noontime show ang mga original hosts nito na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon.

Isa ang isyung ito sa tinalakay ng showbiz columnist na si Cristy Fermin sa March 2 episode ng kanyang programang Cristy Ferminute.

Ayon kay Cristy, mayroon umanong internal problem ang nasabing programa.

“Mayroon pong internal na problema na nagaganap sa programang ito.

“Hindi po kami magbabanggit ng mga pangalan pero meron po talaga at hindi naman kasi isang tao lang po ang nagpapatakbo o nagmamando ng Eat Bulaga.

“Ito po ay isang korporasyon, marami po sila dito sa Tape Incorporated.

“Maraming namuhunan, maraming magkasosyo.”

“Pero ang balita, merong isa na mahal na mahal natin, isang ehekutibo na gustong tanggalin, sipain, sa pamamahala ng programa eh pinakamahal pa naman siya ng lahat.”

Dagdag pa ni Cristy, nagsimula na raw magkaroon ng problema ang programa bago pa man magkaroon ng pandemya.

“Alam mo merong isang source na ka-kuwentuhan ko kanina na hindi nanununog at hindi nangunguryente, bago pa pala nag-pandemya isyu na yan eh. Isyu na talaga yan.

“May gustong tanggalin talaga na nagmamando doon sa kabuuan ng programa.” 

“Yun pong mga host, existing hosts ng programang ito, kapag tinanggal yung pinag-iinitan na ehekutibo at namumuhunan, sasama silang lahat sa tao na yun… Mula Aparri hanggang Julo pinag-uusapan ‘to.”

Palagay din daw ni Cristy ay walang matitirang host at sasama doon sa umano’y pinag-iinitan na producer. 

Nang matanong kung sino kina Tito, Vic, at Joey ang pinag-iinitan, sagot ni Cristy na sila raw ang sasama.

“Sila yung sasama. Ayan ha binibigyan ko na kayo ng mga clue.”

As of this writing, wala pang pahayag na nagmumula kina Tito, Vic, at Joey o maging sa pamunuan mismo ng programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!