“Hindi ako galit… at the end of the day, mag-tatay tayo.”
Ito ang naging mensahe ng talent manager na si Ogie Diaz sa kaniyang dating alaga na si Liza Soberano.
RELATED POSTS:
- Ogie Diaz, kinontra si Liza Soberano tungkol sa mga naging ‘pasabog’ nito
- Cristy Fermin, binatikos si Liza Soberano: “Wala kang utang na loob”
- Boy Abunda, dismayado kay Liza Soberano?
Sa latest YouTube vlog nga ni Ogie ay ibinahagi niya ang buong sagot niya sa mga naging pahayag ng dating alaga tungkol sa naging takbo ng karera nito.
Matatandaang naging kontrobersiyal ang vlog ni Liza kung saan ibinahagi nito ang kaniyang pinagdaanan sa nakalipas na 13 taon sa showbiz.
Kabilang sa naging pahayag ni Liza ay ang kawalan umano niya ng kalayaan sa pagpili ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa karera niya.
Nilinaw naman ni Ogie na hindi nangyari ang mga bagay na ito.
Sa katunayan umano ay si Liza mismo ang naging mapili sa trabaho kung kaya’t anim na pelikula lamang ang nagawa nito sa loob ng 13 taon.
Pihikan umano ang aktres sa pagpili ng mga proyekto.
Nilinaw rin ni Ogie ang tungkol sa pagpili ng screen name ni Liza.
Una na kasing nabanggit ng dating Kapamilya star na hindi ito ang nagdesisyon sa pagpili ng nasabing screen name.
Hope Soberano ang unang ginamit na pangalan ni Liza.
Pinalitan ito ng ‘Liza’ upang maging mas malaks ang dating sa publiko.
Ayon kay Ogie, ilang beses din umanong tinanong ng ABS-CBN si Liza kung handa na ba itong pumareha sa iba ngunit ang aktres na mismo ang nagsabi na gusto pa nitong makatambal ang ka-loveteam na si Enrique Gil.
Ilang beses din umanong nag-alok ang ABS-CBN ng teleserye comeback nina Liza at Enrique ngunit panay umano ang tanggi ng aktres.
Patunay ito na may boses ang aktres sa mga proyekto na tatanggapin o tatanggihan nito — taliwas sa sinabi nito sa kaniyang vlog na dinidiktahan lamang umano siya sa mga nagiging proyekto niya.
Samantala, sa kabila ng lahat ng nangyari, nagpasalamat na lamang si Ogie sa ABS-CBN sa mga malalaking oportunidad na ibinigay nila sa aktres.
Nag-iwan din ng mensahe ang manager sa dating alaga.
“Anak hindi ako galit sa’yo, gusto ko lang ipaalala sa’yo na maraming naging bahagi ng iyong career kaya ka napunta sa itaas.
“Sana hindi mo iyon makalimutan and I’m sure hindi mo rin naman sila makakalimutan pero huwag mo naman silang burahin sa iyong alaala.
“Kasi sila pa rin naman yung mga taong mami-meet mo pag ikaw ay bumalik dito sa Pinas.”