Vice Ganda, nag-react sa suspensiyon ng It’s Showtime

“In the middle of every difficulty lies opportunity.”

Ito ang tila naging reaksiyon ni Vice Ganda, isa sa mga main hosts ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime na ngayong ay napatawan ng 12-day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

Sa kaniyang Instagram account, nagbahagi rin si Vice ng ilang larawan kasama ang iba pang It’s Showtime hosts.

Matatandaang pinatawan ng MTRCB ng suspensiyon ang nasabing programa kasunod ng kontrobersiyal na ‘cake incident’ sa pagitan nina Vice at ng kaniyang partner at kapwa-host na si Ion Perez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!