Rudy Baldwin, nagkatotoo ang hula sa paglindol sa Abra, Ilocos at ilang karatig-probinsiya?

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga lumang posts ng kilalang psychic at visionary na si Rudy Baldwin.

Ang mga posts ay may kinalaman sa nangyaring paglindol kahapon, July 27, sa Abra at ilang kalapit na probinsiya.

RELATED STORIES:

Sa isang Facebook post noong September 13, 2021, partikular niyang binanggit ang probinsiya ng Ilocos.

“ITO AY MANGYAYARI PA LAMANG AT IPAALALA KO NA SA VISION KO ME BAGYO NA MANGYAYARI PA LAMANG SA ILOCOS.

”NAKITA KO ANG ISANG PART NG ILOCOS NA ANG ILALIM NG LUPA NITO AY DAHAN DAHAN RUMURUPOK AT GUMUGUHO NG PA UNTI NA HINDI NAMALAYAN NG LAHAT.

”NAKITA KO ANG MALAKING PAG GUHO NG LUPA SA WALANG PINIPILING PANAHON.”

Nabanggit din niya na nakikita niya ang paglindol na mararanasan sa Ilocos.

Pinaalalahan rin niya ang lahat na mag-ingat at magdasal.

“NAKIKITA KO ANG ILANG MGA LINDOL NA MARANASAN NG ILOCOS MAGING MAINGAT LAMANG ANG LAHAT AT HUWAG NATING KALIMUTAN ANG MANALANGIN PALAGI AT PADALA SA TAKOT  MANALIG LAMANG DAHIL SA DIOS AY WALANG IMPOSIBLE.”

Sa nangyari ngang paglindol kahapon, July 27, ay isa ang Ilocos Sur sa mga lubos na naapektuhan.

Ilan pang Facebook posts ni Baldwin na may kinalaman sa paglindol ang kumakalat ngayon sa social media.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: