Video ng escalator incident sa SM Santa Rosa, nag-viral

Viral ngayon sa social media ang video ng isang aksidente sa escalator sa SM City Santa Rosa sa Laguna.

Sa video na ini-upload ni TikTok user @brenmercadopadua02, makikita ang bugo ng mga tao na sumakay sa paakyat na escalator.

RELATED POSTS:

Di katagalan ay makikita ang tila pagkawala ng balanse ng ilang nakasakay na naging dahilan naman ng pagbagsak pababa ng mga taong nasa gawing likuran ng escalator.

May caption ang nasabing post na:

Sa tingin n’yo, overloaded o nag-malfunction?

Mabilis na nag-viral ang nasabing video at umani ng atensiyon ng netizens.

As of this writing, nakahakot na ng mahigit 1.7 million views ang nasabing video.

Agad din namang naglabas ng pahayag ang pamunuan ng nasabing mall.

“An incident happened in one of our escalators in SM City Santa Rosa. Our emergency response team was immediately on site and has taken all concerned customers to the hospital to have them properly examined.
“The area has been properly secured and a thorough investigation into the matter is already ongoing.”

Panoorin ang nasabing viral video dito.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!