PBB season 1 housemates, nasaan na sila ngayon?

Taong 2005 nang ipakilala sa Philippine television ang tinaguriang “teleserye ng totoong buhay,” ang Pinoy Big Brother o PBB.

Kung ikaw ay isa nang Kapamilya fan noong mga panahong iyon, siguradong nakisayaw ka rin sa sikat na theme song nito.

Pinoy, ikaw ay Pinoy…

Ipakita sa mundo kung ano ang kaya mo.

Ibang iba ang Pinoy.

Wag kang matatakot.

Ipagmalaki mo.

Makalipas ang mahigit 15 taon, nasaan na kaya ngayon ang pinakaunang set of housemates ng sikat na reality show?

Rico Barrera

Siya ang unang napalabas ng bahay ni Kuya dahil sa automatic nomination na nakuha niya dahil sa paglundag sa pool habang suot ang lapel microphone.

Sumubok siya noong mag-artista at lumabas sa ilang Kapamilya shows.

Nagdesisyon siya noong iwan ang showbusiness at subukan ang kapalaran niya bilang isang businessman.

JB Magsaysay

Nakilala siya noon sa loob ng bahay ni Kuya nang maging kontrobesyal nang magkaroon ng relasyon sa kapwa niya housemate na si Say Alonzo.

Sinubukan din niyang mag-artista noon subalit nagdesisyon din siyang sumubok sa mundo ng pulitika. Naging barangay captain siya sa San Juan, La Union at nakatuluyan niya  si Maripaz Ortega, ang ina ng aktres na si Coleen Garcia.

Bob Dela Cruz

Nakatanggap siya noong ng force eviction hindi dahil sa mga violations kundi dahil sa isang heart ailment. Isinugod siya sa ospital matapos mawalan ng malay sa 50th day ng programa. Na-evict siya sahil hindi siya nakabalik sa bahay sa loob ng 24 oras, na bahagi ng rules ng PBB.

Naging konsehal siya sa Marilao, Bulacan, at ngayon ay abala sa kaniyang YouTube channel.

Racquel Reyes

Nakilala siya noon bilang Mommy Racquel ng mga housemates.

Ipinagpatuloy niya ang pagiging guro sa Trapiche, Batangas, at sa ngayon ay pinasok din niya ang mundo ng pagnenegosyo ng mga beauty products at food supplements.

Chx Alcala

Naging kontrobersiyal siya noon dahil sa pagiging prangka at liberated.

Sa ngayon ay isa na siyang talent director para sa isang men’s magazine, base sa kaniyang Instagram profile.

 

Jenny Suico

Nag-voluntary exit noon si Jenny upang alagaan ang kaniyang ama na noon ay may sakit at nasa kritikal na kondisyon. Nagkaroon din siya noon ng pagkakataong makabalik sa programa sa pamamagitan ng ‘The Big Switch” kung saaan binigyan ng chance ang mga evicted housemates na makabalik sa kompetisyon.

Base sa kaniyang Facebook profile, siya ay nakatira na sa Texas, USA kasama ang kaniyang sariling pamilya.

Sam Milby

Si Sam ang nakitang kapalit noon na housemate ni Jenny Suico. Nakilala siya dahil sa isang kantang isinulat niya noon sa PBB house kasama si Say Alonzo. Ito ay ang awiting Magmahal Muli.

Patuloy siyang sumikat paglabas niya ng PBB house. Bukod sa pag-awit, pinasok din niya ang pag-arte. Bumida na rin siya sa ilang top-rating teleserye at blockbuster movies.

Sa ngayon ay isa si Sam sa pinakaaktibong ABS-CBN talent. Bahagi siya ng Ang Sa Iyo ay Akin na napapanood sa Kapamilya online platforms at A2Z channel 11.

Franzen Fajardo

Isa siya sa itinuring na pinakamakulit sa loob ng bahay ni Kuya. Nagkaroon siya ng maraming violations at napatawaan ng forced eviction.

Sinubukan din niya noon ang pag-aartista ngunit mas pinili niyang bumalik sa kaniyang trabaho bilang isang salesman. Ayon sa kaniyang Facebook profile, nasa isang buy-and-sell business na siya ngayon sa Singapore.

Say Alonzo

Siya ang huling housemate na napalabas ng bahay ni Kuya bago pangalanan ang Big Four. Kilala siya sa pagiging kikay, at sa pagkakaroon ng relasyon sa kapwa niya housemate na si JB.

Pinasok din niya ang showbiz paglabas niya ng PBB house.

Sa ngayon ay isa na siyang business woman at digital media influencer.

Uma Khouny

Nakilala siya sa pagiging prangka at totoo. Hindi rin siya naging nominado for eviction sa buong season 1 ng PBB. Nanalo siya bilang Fourth Big Placer.

Naging co-host siya ni Kat De Castro sa ABS-CBN travel show na Trip na Trip.

Sa ngayon ay nasa New York, USA siya nakatira at nagtatrabaho.

Cassandra Ponti

Nakilala siya noon bilang cook sa bahay ni Kuya. Nanalo siya bilang Third Big Placer.

Naging sexy actress siya at magazine cover girl paglabas niya ng PBB house.

Sa ngayon ay abala siya sa kaniyang sariling pamilya at sa kanilang negosyo na banana store and delivery services business.

Jayson Gainza

Siya ang partner-in-crime ni Franzen sa PBB house. Nanalo siya bilang Second Big Placer.

Ang kaniyang sense of humor sa lopb ng bahay ni Kuya ang naging puhunan niya para mas makilala bilang isang komedyante ngayon. Lumabas na rin siya sa ilang ABS-CBN shows gaya ng FPJ’s Ang Probinsyano at Banana Sundae.

Sa kasalukuyan ay napapanood siya sa Sundaykada sa TV5.

Nene Tamayo

Nakilala siya bilang Kumander Nene at naging kauna-unahang PBB Big Winner.

Sa ngayon ay abala siya sa kanilang negosyo na Prime Foods, isang bottled-food business.

 

Sino ang pinaka-miss mo sa kanilang lahat?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: