Patuloy na lumalakas ang ugong ng usap-usapan ng umano’y pagre-reformat ng longest-running noontime show ng bansa — ang Eat Bulaga!
Kasama umano sa mangyayaring pagbibihis ng programa ang pag-alis ng tatlong original hosts nito na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon o mas kilala bilang TVJ.
RELATED POSTS:
- ‘Eat Bulaga!’ magre-reformat; Tito, Vic at Joey, liligwakin na?
- Willie Revillame, kinukuhang kapalit nina Tito, Vic, at Joey sa Eat Bulaga?
- Netizens, nag-react sa balitang tatanggalin na umano sa ‘Eat Bulaga’ ang TVJ
- Larawan ng ‘Eat Bulaga!’ hosts, bakit nga ba nag-viral?
Ipapalit umano sa tatlo sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Allan K.
Maging ang ilan sa kasulukuyang mainstays ng show ang napapabalitang mapapasama sa tanggalan.
Kabilang dito sina Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, Ryan Agoncillo, at iba pa.
Ayon umano sa ilang source, mukhang matutuloy na ang takeover ni dating Zamboanga del Norte Rep. Romeo Jalosjos sa pamunuan ng TAPE, Inc. na siyang producer ng Eat Bulaga!
At kapag nangyari umano ito, ang tatlong main hosts ang unang mawawala sa programa.
Balak din umano ni Jalosjos na mawala sa TAPE, Inc. ang business partner nitong si Antonio Tuviera.
Si Tuviera ang chief executive officer at presidente ng TAPE Inc. mula pa noong 1979.
Kilala rin ito na malapit sa TVJ.
Nauna nang ini-report ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang tungkol sa isyu.
Ayon kay Cristy, mayroon umanong internal problem ang nasabing programa.
“Mayroon pong internal na problema na nagaganap sa programang ito.”
“Hindi po kami magbabanggit ng mga pangalan pero meron po talaga at hindi naman kasi isang tao lang po ang nagpapatakbo o nagmamando ng Eat Bulaga.
“Ito po ay isang korporasyon, marami po sila dito sa Tape Incorporated.
“Maraming namuhunan, maraming magkasosyo.”