Viral sa social media ang video ng isang food delivery rider na bigla na lamang humandusay sa kalsada habang nakasakay sa motorsiklo nito.
Sa kumakalat na CCTV footage na kuha sa lugar, makikita ang paghinto ng nasabing rider sa gilid ng kalsada.
Ilang sandali na tila hindi siya gumagalaw at nakapuwesto lang sa kanyang motorsiklo.
Maya-maya pa’y makikita na biglaang pagtumba ng motorsiklo kasabay na rin ang pagbagsak niya sa kalsada.
Agad namang naglapitan ang ilang nakasaksi sa pangyayari.
Tinangka pa siyang iligtas at saklolohan ng mga tao sa paligid.
Panoorin ang nasabing video ng pagsaklolo sa kanya dito.
Ayon sa ilang komento sa nasabing video, idineklara umanong dead-on-arrival sa ospital ang nasabing rider.
Samantala, agad namang nag-viral sa social media ang nasabing video at umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.
“Shet tulo luha ko! Rest in peace po. . .wla na pong hirap sa tabi ng panginoon. . Condolence po sa family ni kua rider. . .”
“Laking tulong ng mga delivery sa atin kaya sa tuwing magpapadeliver ako kahit mahirap ang buhay nag aabot ako kahit pang tubig man lng ramdam ko un hirap nila”
“Dito po yan sa Frisco dead on arrival si tatay taga Balut, Tondo”
“Sana lang walamg kumuha ng mga gamit ni rider pati na pero at cp. Aminin na natin iba dyan kunware tutulong yun pala may balak. Sana naisama sa knya pagdla sa hosp lahat ng gamit ng walang kulang. At sana din okay na sya ngayon”
“Saludo ako paps syo at s atin lht n nagsasakripisyo pra s pamilya tayo ang bayani ng pandemya n naghhtid ng saya at pangangailangan ng taong bayan bayani k paps a puso namin naway ok k n s mga oras n ito alm nmin ang pkirmdm mo bilang kagrab slmat s serbisyo mo”
“sobrang pagod,sabayan pa ng mga nagfake booking,mga customer na akala mo pati driver banayaran,sana nmn bigyan respeto ang mga rider,may mga pamilya din po sila,kUya rest in peace at sa naulilang pamilya condolence po,ride safe sa mga riders”
“kaya ako pag may diliver sakin lagi ko binibigyan nag tip 50 or 100 pang gas man lang o pang kain nila kasi bilang isa din rider ramdam ko pagod sakripisyo nila para sa pamilya”
“Imagine yung buhay ng mga rider na umulan umaraw nagbibigay serbisyo tapos may mga walanh pusong tao na ang alam lang gawin ay mangupal at manggago sa mga rider. Sana kung gaano karami yang salapi nyo ay mas marami parin ang pagmamahal nyo sa kapwa nyo tao.”
Panoorin ang kabuuan ng video dito.