Cristy Fermin, dalawang linggong hindi nakapagsalita; netizens, may iba’t ibang reaksiyon

Dalawang linggong nagpahinga at hindi nakapagsalita ang showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Ito ay dahil sa pagsailalim niya sa polyp throat surgery noong August 15 para mawala na ang pamamaos ng kaniyang boses.

RELATED STORIES:

Magbabalik na siya sa kaniyang programa na Cristy FerMinute simula bukas, August 29.

Hindi umano naging madali para kay Cristy ang operasyon dahil ngayon lamang niya na naranasan na hindi magsalita sa matagal na panahon.

“For two weeks, no talk na napakahirap.

“Puro sign language lang ako pero ang pinakamaganda, negative sa cancer cells ang polyp specimen.

“Wala na ang pamamalat ko. Jusko, kahit tulog yata ako e nagsasalita pa rin ako. Napakahirap!

“Si Dr. Maita ang doctor ng mga singer, magkasunod kami na inoperahan ni Erik Santos.”

Nagpasalamat din ang kolumnista sa mga nagdasal para sa kaniayng agarang paggaling

Kaya nagpasalamat din siya sa lahat ng mga nagdasal para sa kanyang mabilis na paggaling.

“Salamat sa Diyos, naging madali ang paggaling ko dahil sa mga dasal ng mga kapamilya, kaibigan at mga taga-suporta ng Cristy FerMinute at SNN (Showbiz Now Na!)”

RELATED STORIES:

Samantala, umani naman ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens ang nasabing balita.

Narito ng ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Magtabi na lang po kayo sa isang kwarto ni manay lolit.Para po di boring ang buhay nyo.Meron kayong pagka abalahan ang magpalitan ng tsismis.”

“K4rma is digital ibig sabihin lang magbago ka na stop saying Fake News.”

“Sign na ni Lord Yan na tigilan mo na pagiging gossiper mo… Binigyan kpa nya ng chance, wag mo sayangin.”

“Nakupo kapag gumaling siya mas kawawa ang mga tsinitsismis niya. Kasi pwede na uli siya bumira.  Pero sanA magsisi na siya”

“Pahinga din sa pagsasalita pag my time.🤣”

“Sana gumaling kna para makasagap kpa ng maraming chismis haha”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: