Cristy Fermin, iginiit pa ring buntis si AJ Raval sa kabila ng pagde-deny nito

Pinanindigan ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang una na niyang ibinalita na pagbubuntis umano ng sexy actress na si AJ Raval.

Naiulat kasi sa Frontline Pilipinas ng TV5 na sinabi ng aktres na nagpositibo siya sa COVID-19 at hindi sa pregnancy test.

RELATED STORIES:

Sa kabila nito ay pinaninidigan naman ni Cristy ang kaniyang rebelasyon.

Matatandaang sa programa ng kolumnista ay isiniwalat niyang umamin na umano si AJ tungkol sa pagbubuntis nito.

Ito ay ayon sa isang mapagkakatiwalang source umano ni Cristy.

“Nako, mga kapatid. Hindi po kami apektado nina Romel Chika at Morly Alinio nang mag-deny po kagabi si AJ Raval tungkol sa ibinalita naming sitwasyon niya ngayon.

“Hindi po kami galit sa kanya.

“Natural lamang po na binibigyan namin ng pagkakataon ang mga artista na tanggapin o i-deny ang anumang balita na kumakalat tungkol sa kanila.”

RELATED STORIES:

“Ito po ay kaugnay ng aming kinuwento sa ‘Showbiz Now Na’ na itong si AJ Raval ay nagdadalang-tao ngayon.

“Hindi tayo ang dapat niyang kausapin, ang ating source na may malaking malaking bahagi sa karera niya ngayon, kayong dalawa ang mag-usap.

“Ano po, bahala na po si AJ Raval kung ano ang magiging desisyon niya, basta po, kami ay hindi apektado.

“Ito pong aming source eh talaga namang, sa buong karera ko po bilang manunulat, hindi po niya ako sinubukan ng kwento na katanung-tanong o pagdududahan.”

Samantala, nananatili namang tahimik tungkol sa isyu ang itinuturong ama ng ipinagbubuntis ni AJ na si Aljur Abrenica.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: