Resulta ng ‘Idol Philippines’ elimination, hindi nga ba tanggap ng judges mismo?

Usap-usapan ang naging elimination round ng ABS-CBN singing competition na Idol Philippines kagabi, August 28.

Kapansin-pansin kasi ang naging reaksiyon ng mga judges na sina Regine Velasquez, Moira Dela Torre, Chito Miranda, at Gary Valenciano.

Naging prangka rin si Chito sa pagsasabi na ‘devastated’ ang mga hurado sa naging resulta ng kumpetisyon.

Na-eliminate at hindi na napasama sa Top 8 ang mga contestants na sina Misha De Leon at Nisha Bedana.

Maging sa Twitter ay naglabas ng saloobin ang apat na judges ng show.

Maging ang host na si Robi Domingo ay may nakakaintrigang tweet matapos ang episode kagabi.

Maging ang netizens ay naglabas ng kanilang opinyon tungkol sa nangyaring eliminasyon.

Narito ang ilan sa kanilang mga tweets.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: