Cristy Fermin, tinalakan ang ina ni AJ Raval: “Pakisabihan din po ang anak n’yo…”

Sa kaniyang programa, nagbigay ng mensahe ang showbiz columnist na si Cristy Fermin para sa ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez.

Ito ay sa gitna ng usap-usapan tungkol sa pagbubuntis umano ng sexy actress.

RELATED STORIES:

Matatandaang si Cristy ang nagsiwalat ng tungkol sa umano’y pagbubuntis ni AJ sa anak nila ng rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

Ayon sa manunulat, galing ang impormasyon sa isang source niya na nagsabing ang sexy actress mismo ang umamin tungkol sa pagbubuntis nito.

Agad naman itong itinanggi ng aktres at sinabing nagpositibo ito sa COVID-19.

Kaugnay nito, tila naging sunod-sunod naman ang post sa Facebook ng ina ni AJ.

Isa sa post nito ay tungkol sa pakikialam sa buhay ng iba.

“Mabuhay po tayo ng mapaya na walang pakialam sa buhay ng iba.”

Bagama’t wala nmang direktang pinangalanan sa post, tila may pasaring ito tungkol sa kinasasangkutang kontrobersiya ng anak.

Tungkol sa nsabing post ang mensahe ni Cristy sa kaniyang programa.

“Kayo (Alyssa) po ay hindi pa namin nakikilala ng personal pero dapat lalo na nu’ng panahon ng bardagulan ni AJ at saka ng mga fans ni Kylie (Padilla) dapat po ay alam ninyo kapag nasalang na sa ganito si AJ ay dahil public figure siya.

“Hindi po kapitbahay ang susuporta sa anak n’yo kundi kayo, pero pakitanggal po ‘yung ‘huwag pakialaman ang buhay ng iba dahil hindi ninyo pa diniretso na huwag pakialaman ang buhay ng anak n’yo, dapat ganu’n.

“Sabay po nating pangaralan si AJ, sabay nating bigyan ng magandang pag-alalay itong si AJ. Pakisabihan din po ang anak ninyo na huwag siyang magbibilad bilad ng kanyang katawan na halos ipakita na ang pinakasi-sekreto niyang bahagi para hindi siya bina-bash.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: