Cristy Fermin, may banat kay Kris Aquino: “Malala na, user pa!”

“Kris: malala na, user pa!”

Isa ito sa nakalagay sa title card ng latest YouTube vlog ng showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Sa nasabing episode ng online show ni Cristy na Showbiz Now Na, ibinahagi niya ang umano’y mahabang text message na natanggap niya mula kay Kris Aquino.

“Ako po ay nakatanggap ng isang text message sa aking telepono na wala po sa akin, hindi naka-ano ang numero niya, hindi naka-save.

“Nagdadalawang-isip po ako kung papatulan ko dahil usong-uso po ngayon ang mga fake news, fake account, fake numbers. Tumawag po ako kay Tita Dolor Guevarra para lang po matiyak ko kung totoong kay Kris Aquino ‘yung sakdal-haba na text message na tinanggap ko. Sabi ni Tita Dolor, ‘Oo, kanya ito.’”

“So binasa ko, binasa ko nang dalawang ulit.”

RELATED STORIES:

“Isang araw mayroon daw pong ipinapanood na video sa YouTube sa kanya si Bimby, pinagtagpi-tagpi raw iyon, sinamarize, pinagdikit-dikit at pinag-ipon-ipon ang aking mga komento.

“’Yun ang kanyang ikinagagalit at talaga namang matatalim ang mga salita niya.

“Unang-una niyang sinabi, si Robin Padilla panay-panay ang pangungumusta sa akin, sila raw ni Mariel (Rodriguez-Padilla), ito naman daw si Kuya Ipe (Salvador) ay bestfriend ni Sen. Bong Go at isa pa nilang kaibigan na si Jonathan So, alam daw ng dalawang ito ang kanyang number.

“Si James Yap naman daw ay alam ang kanyang numero ng Mayor ng San Juan, si Francis Zamora at mayroon din daw silang abogado na si Atty. Sigfried Fortun na alam din ang kanyang telepono.

“Pero kahit alam daw ni kuya Ipe at ni James walang komunikasyon sa kanilang mga anak, hindi raw nagre-reach out. Napakadali raw po ng paraan para makapag-communicate si Kuya Ipe at si James Yap kina Josh at Bimby pero hindi nila ginagawa.

“Sabi niya, bakit siya pa rin daw ba ang nagkulang? Siya pa rin daw ba ang mali? Siya pa rin daw ba ang dapat sisihin?”

Ito raw umano ang laman ng mahabang text message ni Kris.

RELATED STORIES:

“So, nakinig po siya (Kris) doon sa sinamarized na ‘ayon kay Cristy Fermin, sabi ni Cristy na ganito, ganyan-ganyan.’ Pumasok siya sa laban na hindi niya alam kung ano ang laman!”

Dito na nagpaliwanag si Cristy.

“Alam n’yo po mga kachika’t mga kapatid kulang na lang po ay magtayo kami ng kulto o relihiyon para mang-imbita ng mga miyembro sa Pilipinas para ipagpatuloy ang pananalangin kay Kris Aquino para maligtasan niya ang kanyang sakit ngayon.

“Sina Josh at Bimby ay ikinakambal natin sa panalangin! Ang iniisip natin, paano kung mawala si Kris kawawa naman ang dalawang bata.”

“Di sana para pumasok siya sa isang laban na malinaw ang kanyang sinasabi, ito mismo Showbiz Now Na o Cristy Ferminute ang kanyang pinanonood o pinanood ni Bimby sa mommy niya para wala tayong maitatago pag nandiyan na ‘yung video.”

“Ito po ay ibabalik ko kay Kris Aquino, kung ikaw ay may matinding sakit, kung ikaw ay masyado nang nasasaktan sa sakit mo, kung hindi mo na alam kung paano ka mabubuhay dahil sabi mo nga, umaasa ka na lang panalangin at biyaya ng Diyos, bakit nakuha mo pa akong i-text ng milya-milya, kilo-kilometriko para lang sumbatan mo ako na birahin at tirahin na kita huwag ko lang idadamay ang dalawang anak mo dahil kapag nawala ka ay paano na sila?

“Never kong pinag-usapan si Josh at si Bimby sa isang negatibong aspeto. Kaming tatlo (nina Romel at Morly) mag-usap man kami tungkol sa dalawang anak mo, ‘yun ay kakambal nang panalangin namin para sa iyo!”

“Tapos sabi niya, ‘alam ko namang fair ka!’

“Matapos niya akong pakainin ng paghusga nang wala namang katiyakan. Ang basa ko rito, mayroon siyang gustong sabihin kay kuya Ipe at kay James Yap bilang mga ama nina Josh at Bimby na hindi niya madiretso!

“Idadaan pa sa akin dahil siguro ayaw niyang ibaba ang kanyang pride, ayaw niyang ibaba ang kanyang pagkatao na kokontakin niya ‘yung dalawang ama ng anak niya para lang magkaroon ng komunikasyon.

“Puwede naman niyang gawin ‘yun! Sabi niya kay Senator Bong Go at Jonathan So at kay Atty. Sigfried Fortun na ang number niya ay alam ni James at ni kuya Ipe at alam ni Robin ‘yung kay kuya Ipe, bakit hindi pa niya diretsuhin?

“Maling-mali, unang-una walang atraso sa akin ang mga anak mo!  Saan mo ba kinuha ang tanong na ‘yan?

“Dalawang bata bibirahin ko? Dalawang bata na hindi na nga malaman ngayon ang gagawin kung paano sila magdarasal mabuhay ka lang para huwag mo silang iwasan.”

Panoorin ang buong vlog dito.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

2 thoughts on “Cristy Fermin, may banat kay Kris Aquino: “Malala na, user pa!”

    1. Sobra ka naman Cristy Fermin.Ikaw Ang maliwanag na user. Yang mga Banat mo sinisigurado mo na marami kang viewer. Makakarma ka rin tandaan mo yan . Huwag mong laitin ang isang taong may matinding pinagdadaanan at baka mapunta sa iyo yong sakit nya nasa biblia yan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: