Claudine Barretto, may monthly allowance na PHP500,000 mula kay Gretchen Barretto?

“No, hindi totoo. Abuso yun. Abuso naman ‘yon.”

Ito ang naging paglilinaw ng aktres na si Claudine Barretto tungkol sa napabalitang pagkakaroon niya ng kalahating milyong piso na monthly allowance mula sa kapatid na si Gretchen Barretto.

RELATED STORIES:

“Iyan ang misconception ng mga tao. Pero alam mo ang ate ko, napaka-generous.

“Hindi ko ide-deny na there are times talaga na she gives me money, my kids, ganyan.

“Pero sa lahat kasi, sa amin kasi sa buong pamilya, lahat talaga umasa talaga sa ate ko for the longest time.

“And ayokong abusuhin yung generosity ng ate ko.”

Binigyang-diin ni Claudine na ayaw niyang iasa ang lahat sa kaniyang kapatid.

“So, ayokong ever na ma-feel niya na palamunin niya ako or ano.

“And also naman po, nakapag-save din naman po ako ng pera.

“And she’s very generous, very, very generous. Pero yung umasa sa kanya, hindi ko po gagawin sa kanya yun.

“Sobra-sobra na yung love niya alone para sa akin is more than she could give me. Ayokong i-take advantage siya.”

Inamin naman niya ang partikular na tulong na ibinibigay ni Gretchen.

“Pero you know, she pays for insurance ko, oo. Saka yung insurance ng mga anak ko, yung ganoon.

“Malaking bagay yun. Malaking bagay talaga yun para sa akin. So, yun doon.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: