Cristy Fermin sa relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez: “Pera pa rin ang dahilan…”

“Ang tingin pa rin ng ating mga kababayan, lalo na ng mga Marites, pera pa rin ang dahilan.”

Ito ang naging pahayag ng showbiz columnist na si Cristy Fermin tungkol sa relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez.

RELATED STORIES:

Sa episode ng kaniyang YouTube vlog na Showbiz Now Na, muling napag-usapan nina Cristy kasama ang co-hosts na sina Morly at Wendell ang showbiz couple na sina Vice at Ion.

Ayon sa kolumnista, marami pa rin talaga ang naniniwala na pineperahan lamang si Vice ng partner nitong si Ion.

“Nu’ng una pa man, kahit naman hanggang ngayon, ang katwiran ni Ion, ‘Ako po ay isang straight na lalaki na nagkataon lang na nagmahal sa isang beki.

“‘Hindi ko po pineperahan si Vice. Mahal na mahal ko po si Vice. Hindi po materyal na bagay o pera ang dahilan ng aming relasyon’.”

Dagdag pa ni Cristy, wala raw talagang naniniwala kay Ion kahit na ano pang paliwanag ang gawin nito.

“Ang tingin pa rin ng ating mga kababayan, lalo na ng mga Marites, pera pa rin ang dahilan.”

Sinang-ayunan naman ito ng mga kasamahan ni Cristy ngunit sinabi rin nilang hindi pa rin nila pwedeng saklawan ang kalooban ni Ion dahil maaari naman talagang mangyari sa totoong buhay ang magmahalan ang dalawang lalaki.

Ayon kay Morly, “Dahil si Vice ay malaking artista, mapera, mayaman, sususugan talaga ng kung anu-anong negatibo. Kahit magpaliwanag pa si Ion na bukal sa loob niya ang pagsasabi na mahal niya si Vice, marami pa rin ang magsasabing ‘Hindi ako naniniwala’.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: