Cristy Fermin, pinagdududahan kung talagang malala nga ang sakit ni Kris Aquino?

“Kung ikaw ay may matinding sakit, kung ikaw ay masyado nang nasasaktan sa sakit mo, kung hindi mo na alam kung paano ka mabubuhay dahil sabi mo nga, umaasa ka na lang panalangin at biyaya ng Diyos…bakit nakuha mo pa akong i-text nang milya-milya, kilo-kilometriko para lang sumbatan mo ako…”

Ito ang bahagi ng naging reaksiyon ng showbiz columnist na si Cristy Fermin tungkol sa umano’y text message na natanggap niya mula kay Kris Aquino.

Sa online show ni Cristy na Showbiz Now Na kasama sina Morly Alinio at Romel Chika, ikinuwento niya na nakatanggap siya ng mahabang mensahe mula kay Kris.

Matapos masiguradong kay Kris nga mismo nanggaling ang “pagkahaba-habang” text, nagbigay ng kanyang panig ang kolumnista.

RELATED STORIES:

“Pumasok siya sa laban na hindi niya alam kung ano ang laman!

“Binasa ko nang dalawang ulit. Isang araw mayroon daw pong ipinapanood na video sa YouTube sa kanya si Bimby, pinagtagpi-tagpi raw iyon, sinamarize, pinagdikit-dikit at pinag-ipon-ipon ang aking mga komento. Yun ang kanyang ikinagagalit at talaga namang matatalim ang mga salita niya.”

Sinabi pa raw ni Kris na: “Birahin at tirahin mo na ako hangga’t gusto mo, huwag mo lang idamay ang dalawang anak ko.”

 

“Ito po ay ibabalik ko kay Kris Aquino,” patuloy ni Cristy.

“Kung ikaw ay may matinding sakit, kung ikaw ay masyado nang nasasaktan sa sakit mo, kung hindi mo na alam kung paano ka mabubuhay dahil sabi mo nga, umaasa ka na lang panalangin at biyaya ng Diyos…bakit nakuha mo pa akong i-text nang milya-milya, kilo-kilometriko para lang sumbatan mo ako na birahin at tirahin na kita huwag ko lang idadamay ang dalawang anak mo dahil kapag nawala ka ay paano na sila?”

RELATED STORIES:

Mabilis namang nag-react ang ilang netizens na nakapanood sa show ni Cristy at nakarinig sa mga sinabi nito.

Para sa ilan, nauunawaan nila ang pinaghuhugutan ng hinanakit ng kolumnista.

May ilan din namang nagpahayag ng disgusto sa mga sinabi nito na tila pagdududa sa tunay na kalagayan ni Kris sa Amerika.

Sabi pa ng ilan, sana raw ay tigilan na muna ng kolumnista ang pag-atake kay Kris dahil sa pinagdadaanan nito ngayon.

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: