Cristy Fermin, nagkomento sa umano’y pagsasama ni Kris Aquino ng makeup artist sa pagpapagamot nito sa Amerika

Sa kanilang online show na Showbiz Now Na! Ay pinag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Morly Alinio ang latest post ng TV host actress na si Kris Aquino.

Napag-usapan nila ang itsura ni Kris sa mga larawan at video na ibinahagi nito sa social media.

Pinuna ni Romel ang aniya’y pagkakaiba ng itsura ni Kris sa una nitong ipinost kaysa sa huling larawan ng TV host-actress.

“Ang feeling ko, Nay, ‘yung picture niyang hindi siya kagandahan, ‘yung pangit na picture niya, ‘yun pa ‘yung mga unang-unang picture niya. Pero ‘yung latest na, nakaayos na siya, ‘di ba, Nay?” Ani Romel.

Totoo bang may kasamang beautician, makeup artist?” tanong ni Cristy.

Sumagot naman si Romel ng, “Parang, ‘di ba? Nakaayos.”

RELATED STORIES:

Komento naman ni Morly, “Ang ganda ng kilay eh.

Ikinuwento naman ni Cristy ang narinig niyang tsismis na umano’y nagsama ng hairdresser at makeup artist si Kris sa Amerika.

“Yun ang balita, may kasama siyang hairdresser at saka makeup artist. Kung sabagay hindi naman natin pera ‘yung binabayad niya. E ‘di ba maraming tao na ayaw mamatay nang pangit?” Komento ni Cristy.

“At saka tignan mo, Nay, nagpapaayos siya tapos nagpo-post siya nang hindi siya maganda,” komento pa ni Romel.

RELATED STORIES:

Matatandaang sa isang Instagram post ay ibinahagi ng TV host-actress ang estado ng kaniyang kalusugan.

“From now, 12 noon, June 29, 2022 where we are-this is what i felt you needed to know, straight from me para alam ng lahat ito ang to totoo.

“This isn’t a permanent goodbye, ibalato nyo na lang hanggang malagpasan namin itong matinding pagsubok.

“Thank you for all your prayers- i am forever #grateful.

“Promise, pag may good news ako, after thanking God & telling my sisters & my trusted friends- you’ll see a post from me.

“In God’s perfect timing… 💛💛💛”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

One thought on “Cristy Fermin, nagkomento sa umano’y pagsasama ni Kris Aquino ng makeup artist sa pagpapagamot nito sa Amerika

  1. Kabwisit itong ating ibang kbbyan ani! Nsa msmang klagayan n nga ung tao,kung anu ano p ipinupukol,syempre maputi c ms kris kya khit me dnrmdam e ok p rn tignan,d gya kung maitim k na pangit tgnan d po b lola cristy?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: