Vice Ganda, nagsalita na tungkol sa isyu ng umano’y hiwalayan nila ni Ion Perez

Nilinaw na ng tinaguriang Unkabogable superstar na si Vice Ganda ang kumakalat na usap-usapan na hiwalay na sila ng partner na si Ion Perez.

Sa episode ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime noong Miyerkules, August 17, ay muling nagkaroon ng ‘reunion’ sina Vice at Ion.

RELATED STORIES:

Ayon kay Vice, halos isang linggo silang ‘magkahiwalay’ ni Ion.

Ito ay nang magbakasyon sa Japan si Ion kasama ang pamilya nito, at siya naman ay sa bohol kasama ang kaniyang pamilya.

Sa mga panahong iyon ay kumalat sa social media ang balita na hiwalay na umano sila.

Nang tanungin si Vice ng co-host na si Anne Curtis, inamin niya na na-miss niya ang kaniyang partner.

“Oo. Alam mo, umiiyak na nga ako sa gabi.

“Magmula kasi noong pandemic, ‘di ba nagsama kami sa bahay, tapos hindi na kami nagkaroon ng time na maghiwalay nang matagal.

“Pinakamatagal naming hiwalay, three days, kunyari meron akong raket o siya pupunta ng Tarlac.

“Pero ‘yung six straight days tapos alam naming malayo, first time ‘yon.”

RELATED STORIES:

“Pero sinabi ko lang sa kaniya na umiyak ako noong dumating na siya.

“Hindi ko sinasabi kasi malulungkot siya.

“We missed each other.”

Ipinaliwanag rin niya ang naging desisyon nilang magbakasyon nang magkahiwalay.

“Kasama ko kasi ‘yung pamilya ko noong wala siya. Balance.

Nagpunta siya ng Japan kasama ang pamilya niya, nagpunta naman ako ng Bohol kasama ko ang pamilya ko.

Bala-balanse, time with our families. And then, back in each other’s arms! Gano’n!” 

Nilinaw rin niya na masaya silang dalawa at hindi totoo ang tsismis na hiwalay na sila.

“Masaya kami!”

“Huwag kayo gumagawa… Mga chismosa kayo!

“Hiwalay na raw kami ni Ion? Itong mga d*monyong ‘to!

“Pero masaya kami rito, masaya kaming pamilya, masaya kaming mag-jojowa, kaya huwag kayong (gumagawa ng tsimis).”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: