Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, hiwalay na nga ba?

Hiwalay na nga ba ang kapuso actress na si Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero?

Ito ang naging tanong ng netizens matapos lumutang ang ispekulasyon na tila nagkakalabuan na umano ang mag-asawa.

Sa latest YouTube vlog ni Ogie Diaz, isa ang isyu ng hiwalayan ng dalawa sa kanilang napag-usapan.

Matatandaang nagsimulang umugong ang tsismis na ito nang tanggalin ni Heart ang apelyido ng asawa sa kaniyang Instagram account.

Ayon kay Mama Loi na co-host ni Ogie sa vlog, marami raw ang nagtatanong kung totoong hiwalay na ang mag-asawa.

Ang ilan pa nga raw ay nagtatanong kung totoo ang tsismis na nakabuntis umano si Senator Chiz at ito umano ang rason ng hiwalayan nila ni Heart.

Ibinahagi naman ni Ogie ang ilan pa sa mga nababasa nilang komento ng netizen tungkol sa isyu.

“E, kasi si Heart hindi pa handang maging nanay daw, so may mga ganu’n-ganu’n kasi gustong i-maintain ni Heart ang kanyang figure.

“May mga nababasa pa kayong ganyang comment.”

Nakagatong pa sa isyu ang isa sa mga Instagram posts ni Heart.

May binaggit kasi ang aktres tungkol sa pagtatago ng kalungkutan.

Aniya: “Saan na naman ang larga mo, Ganda. Okay this is what we’re gonna wear.

“Shouldn’t think what other people say. Just dress however you want if it makes you feel good.

“Go for it, Darling. This is how it should be.

“All day everyday. Put on those shades to hide your sorrows. No, I’m just kidding. I’m not sad charot. Just a little bit.

“But …anyway this is the look where we are going.

“We don’t know, you, figure it out.

“But you are amazing. You all are!

“Kill it, kill it girl!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

 

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: