‘Kissing photos’ nina Vice Ganda at Ion Perez sa Amerika, umani ng iba’t ibang reaksiyon ng netizens

Usap-usapan ngayon ng netizens ang ‘kissing photos’ nina Vice Ganda at ng partner niyang si Ion Perez.

Kuha ang nasabing mga larawan sa katatapos na successful concert ni Vice, ang Vice-cinated, sa California noong July 2 at 3, 2022.

Sold-out ang nasabing concert na talaga namang dinumog ng mga kababayan natin doon.

RELATED STORIES:

Naging usap-usapan sa social media ang kumalat na ilang larawan nina Vice at Ion na kuha mula sa concert.

Sa isang eksena kasi sa concert ay tinawag ni Vice at pinaakyat ang boyfriend sa stage.

Naging maugong naman ang ingay ng audience na nanghingi ng kiss mula sa dalawa.

Tila tumanggi si Vice noong una ngaunit dahil sa pangungulit at pangangantiyaw na rin ng audience ay pinagbigyan na niya ito.

RELATED STORIES:

Umani ang nasabing mga larawan ng iba’t ibang reksiyon ng netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Kinikilig kayo dyan? Kadiri kaya! Eeew!”

”Love wins! Deadma na lang sa mga bashers.”

”Sana all may lovelife.”

”Iba talaga ang pagtitig ni Ion kay Vice. Ramdam mo yung sincerity.”

”So happy for Meme Vice.”

”Dun pa talaga sa States nagkalat.”

”Kung maka-bash na naman ang mga ito, 2022 na guys! Love love love na lang dapat.”

”Congrats, Vice! Successful na ang concert, successful pa ang love life.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: