Vice Ganda, tigil na muna sa paggawa ng ibang TV shows at pelikula dahil kay Ion Perez?

Sa latest vlog ni KaladKaren Davila, ibinahagi ni Vice Ganda ang dahilan kung bakit tila ayaw na muna niyang gumawa ng pelikula at ibang TV shows sa ngayon.

Marami kasing mga tagahanga niya ang nagtataka kung bakit hindi na siya bumalik sa season 2 ngABS-CBN singing competition na Idol Philippines.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Idol Philippines (@idolphilippines)

Kabilang si Vice sa mga judges sa unang season ng nasabing show kasama sina Regine Velasquez, Moira Dela Torre, at James Reid.

Ikinuwento ni Vice na ine-enjoy muna niya ang buhay niya ngayon kung kaya’t ayaw niyang tumanggap ng ibang shows at pelikula.

“Nando’n na ako sa stage ng life ko na okay na ‘ko, settled na ‘ko. Wala na ‘kong masyadong hinahanap.

“Wala kaming gusto pa. Yung dapat ganito pa, dapat ganyan. Okay na ko.

“Gusto ko na lang ng kalmang buhay, yun na lang ang pinapanalangin ko, gusto ko kalma ulit bukas.”

Gusto raw muna niyang i-enjoy ang buhay niya kasama ang boyfriend na si Ion Perez.

“Ine-enjoy ko ‘tong bahay ko. Ine-enjoy ko si Ion. Ine-enjoy ko yung sarili ko, yung pamilya ko, yung karera ko na matagal ko nang ipinanalangin, yung kinikita ko ngayon.

“Di ba kapag tinanong, gagawa ka ba ng movie? Para saan?

“Bakit hindi mo ginawa yung Idol Philippines? Para saan? Yun ang tanong ko, para saan?

“Bakit ko gagawin yung Idol Philippines? Pag nagawa ko yun, mangangarag na naman ako.

“Mababawasan kami ng oras ni Ion. Para dagdag kita? Para ano, para mas popular? Para saan?

Ibinahagi rin niya na hindi siya natatakot kung ipagpalit man siya ni Ion sa isang babae.

“Alam mo kung bakit hindi ako natatakot? Kasi hindi ko ‘yun iniisip.”

 

“Hindi pinaparamdam sa akin ni Ion. At saka, hindi ako masyadong naggugugol ng mga oras sa mga possible na pwedeng maging problema na hindi pa nangyayari.

“Mas gusto kong mag-dwell sa now. Hindi perfect ang relasyon namin. Nagkakabwisitan kami, pero hindi kami nag-aaway.

“Walang threat sa pagsasama namin, hindi namin nararamdaman ‘yon.”

At kung sakaling mangyari man daw na ipagpalit siya ni Ion sa babae, bahala na raw kung ano ang mangyari sa kaniya.

“If it happens, it happens. Bahala na kung ano mangyari sa akin.

“Kung mabaliw ako, eh, ‘di mabaliw. Kung mabundol ako, eh, ‘di mabundol. Kung mangaladkad ako ng babae, eh, ‘di mangyari. Pero, bakit ko poproblemahin ‘yon.

“Kung mambabae si Ion, ‘wag niyo na isama sa problema niyo ‘yun.”

Panoorin ang kabuuan ng nasabing vlog dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: