Vice Ganda kapag ipinagpalit ni Ion Perez sa babae: “Eh di mabaliw!”

Usap-usapan ngayon ang latest vlog ni KaladKaren Davila sa kaniyang YouTube channel kung saan special guest niya Unkabogable Supertar na si Vice Ganda.

Dito kasi ay game na nagbahagi ng ilang detalye si Vice sa kanilang relasyon ng boyfriend na si Ion Perez.

Ibinahagi ni Vice na wala silang ‘big plans’ para sa future nila ni Ion.

“Big plans? Wala. Nagko-concentrate ako sa araw-araw. I want to make sure na today, masaya siya. Masaya ‘ko.  

“I want to make sure na today, may ginagawa siyang nagpapasaya sa kanya. Ako rin, I want to make sure na okay kami hanggang sa matapos ang gabi.

“Nando’n na ako sa stage ng life ko na okay na ‘ko, settled na ‘ko. Wala na ‘kong masyadong hinahanap. Gusto ko ng kalma na lang ang buhay, wala kaming sakit.”

At dahil usong-uso ang hiwalayan sa showbiz ngayon, napag-usapan rin nila kung anong mararamdaman niya kung sakaling mangyari ito sa kanilang dalawa ni Ion.

Hindi raw siya natatakot.

“Alam mo kung bakit hindi ako natatakot? Kasi hindi ko ‘yun iniisip.”

“Hindi pinaparamdam sa akin ni Ion. At saka, hindi ako masyadong naggugugol ng mga oras sa mga possible na pwedeng maging problema na hindi pa nangyayari.

“Mas gusto kong mag-dwell sa now. Hindi perfect ang relasyon namin. Nagkakabwisitan kami, pero hindi kami nag-aaway.

“Walang threat sa pagsasama namin, hindi namin nararamdaman ‘yon.”

At kung sakaling mangyari man daw na ipagpalit siya ni Ion sa babae, bahala na raw kung ano ang mangyari sa kaniya.

“If it happens, it happens. Bahala na kung ano mangyari sa akin.

“Kung mabaliw ako, eh, ‘di mabaliw. Kung mabundol ako, eh, ‘di mabundol. Kung mangaladkad ako ng babae, eh, ‘di mangyari. Pero, bakit ko poproblemahin ‘yon.

“Kung mambabae si Ion, ‘wag niyo na isama sa problema niyo ‘yun.”

Panoorin ang kabuuan ng nasabing vlog dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: