Vice Ganda, nangangarap na magkaroon sila ng anak ni Ion Perez

Pangarap daw ng tinaguriang Unkabogable superstar na si Vice Ganda na magkaroon sila ng anak ng partner niyang si Ion Perez.

Ito ang ibinahagi niya sa isang interview kamakailan.

Aniya, sa ngayon ay wala na siyang mahihiling pa sa kaniyang career at personal na buhay kaya ang palagi na lamang niyang ginagawa ay magpasalamat sa Diyos.

Katatapos lamang ng matagumpay niyang concert sa US at kasunod naman nito ang concert niya sa Dubai.

RELATED STORIES:

“Seriously, right now, wala na akong extrang hinihiling. Kasi I want to enjoy the blessings I received now.

“Kasi di ba, lagi tayong maraming hinihiling, lagi tayong maraming in-a-aspire, lagi tayong maraming gustong ma-achieve. Araw-araw gusto nating may laging bagong ma-achieve.

“Ang problema du’n, may lagi tayong may gustong ma-achieve, yung pag binigay sa atin yung pinapanalangin natin, pag dumating siya hindi natin ma-enjoy. Imbis na ini-enjoy natin yung pagdating ng biyaya natin, meron na namin tayong bagong gusto.”

Dagdag pa niya, “For the longest time that I’ve been praying for things, for blessings. Ngayon na nandidito na siya sa harap ko, gusto ko lang siya i-enjoy.

“I want to enjoy my career, I want to enjoy my relationship with Ion, I want to enjoy my family, my friends. Yung estado ko ngayon, gusto ko siyang i-enjoy lahat. Kaya pag nag-iisip ako, ‘Ano pa ba yung gusto ko?’ Ayoko muna mag-isip ng panibago. Kasi gusto ko siyang ma-enjoy now. Yung ganun.”

RELATED STORIES:

Naikuwento rin niya ang pangarap niyang magkaroon ng anak.

“Siguro another dream is magkaroon ng sarili kong anak. Pero hindi ko minamadali. Hindi ko pini-pressure yung sarili ko na matanda na ako kailangan magkaroon ako ng anak.

“If it will happen, I will embrace the moment when it happens. Pero for now, okay lang din kung wala kasi ito ang binibigay sa akin na buhay ng Diyos.”

Isa pa umanong pangarap niya ay ang magkaroon ng international career.

“Pangalawa yung suntok sa buwan. Pero hindi ko rin naman kumbaga pini-pressure yung sarili ko na dapat mangyari na pag hindi malulungkot ako.

“Yung maka-penetrate internationally. Kunwari ngayon, okay naman ang career ko sa Pilipinas.

“Yung maka-Hollywood, yung ganu’n. Yung malaki yung  pangarap na yun. Siyempre iba yung the Filipino horse makes it to Hollywood, di ba?” 

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: