Vice Ganda, nagbahagi ng ‘prenup’ photos nila ng partner na si Ion Perez

Kinakiligan ng netizens ang ilang larawan na ibinahagi ng ‘Unkabogable’ superstar na si Vice Ganda sa kaniyang social media account.

Kasama niya ang kaniyang partner na si Ion Perez sa isang larawan na nilagyan niya ng tila pabirong caption.

RELATED STORIES:

“For the Prenup! Chozzzz!”

Bagama’t tila pabiro, inulan pa rin ito ng pagbati ng ‘Congratulations’ mula sa kanilang tagahanga.

Karamihan sa mga nagkomento sa mga larawan ay tila kinilig sa ‘mag-asawa’.

Matatandaan na noong October 19, 2021 ay ‘nagpakasal’ ang dalawa sa isang special ceremony sa Las Vegas.

Sa nasabing seremonya ay emosyonal na nagpalitan ang dalawa ng mensahe para sa isa’t isa.

“Nandito ako na buong-buo ‘yung loob ko na makasama ka. Wala akong ibang masabi kundi mahal na mahal kita,” ani Ion.

“Mahal na mahal din kita…. Ang saya-saya ko na ikaw ang kasama ko ngayon at ikaw ‘yung kasama ko kahapon at ikaw ‘yung makakasama ko pa rin bukas at sa mga susunod na araw. ‘Yun ang pinagdadasal ko na sa mga susunod na araw, ikaw pa rin ‘yung kasama ko at ako pa rin ‘yung kasama mo,” ang mensahe naman ni Vice sa kaniyang partner.

Vi

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: