Vice Ganda, ‘naaksidente’ sa It’s Showtime stage; Ion Perez, to the rescue sa jowa

Takot ang naramdaman ni Vice Ganda nang muntikan siyang masubsob sa stage ng It’s Showtime kahapon, June 27.

Sa segment na Showtime Sexy Babe ay nagkakatuwaan si Vice kasama ang mga co-hosts sa segment na sina Ogie Alcasid, Vhong Navarro, at Jhong Hilario.

Nang ini-interview na nila ang isang contestant ay napag-usapan nila na tila muntikan itong mawalan ng balanse habang rumarampa sa stage.

Pabiro pang ginaya ni Vice ang paglalakad nito at nang i-exaggerate niya ang kilos ay siya naman ang totoong nawalan ng balanse.

Tuluyan siyang natumba at napasubsob sa gawing harapan ng stage kung nasaan ang mga camera men.

Agad namang sumaklolo ang mga kasamahan niyang sina Vhong at Jhong, maging ang floor director na si Dumbo.

Kapansin-pansin din ang naging reaksiyon ng boyfriend ni Vice na si Ion Perez na mabilis ding tumakbo mula sa kabilang dulo ng stage upang saklolohan ang kasintahan.

Agad namang idinaan na lang ni Vice sa biro ang nangyari.

“Natakot ako, akala ko papasok ako sa camera! Magugulat yung mga madlang pipol, ‘Uy, bakit nandito ka sa bahay namin?’

Nakikiupo lang po ako kasi balita ko komportable yung sofa niyo!”

Nag-request sila ng replay para muling makita kung ano talaga ang nangyari at tuluyang pinagkatuwaan na lang ang nangyari kay Vice.

Panoorin ang buong pangyayari dito.

* * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: