Aljur Abrenica, nananatiling tahimik tungkol sa isyu ng ‘pagbubuntis’ ni AJ Raval

Nananatiling tikom ang bibig ng aktor na si Aljur Abrenica sa isyu ng umano’y pagdadalantao ng rumored girlfriend nito na si AJ Raval.

Ilang linggo nang hindi mawala-wala ang usap-usapan na buntis umano ang sexy actress at si Aljur ang itinuturong ama ng ipinagbubuntis nito.

RELATED STORIES:

Nagsimula ito nang ibunyag ng showbiz columnist na si Cristy Fermin na totoo umano ang balita na buntis nga ang sexy actress.

Ayon sa kaniya, isang source ang nagkumpirma na si AJ pa mismo ang umamin na totoo nga ang balita.

Pinabulaan naman ito ni AJ at sinabing hindi totoo ang tsismis.

Nag-post pa ito ng ilang larawan kung saan litaw ang tiyan niya para patunayang hindi totoong buntis siya.

RELATED STORIES:

Nag-Instagram Live din siya para ipakita na wala siyang ‘baby bump’.

Samantala, ang ama niyang si Jeric Raval ay pinasinungalingan rin ang balita.

Kasalukuyan raw na nagshu-shooting si AJ sa pelikula nito para sa Viva Films kung kaya imposibleng buntis ito.

Napansin naman ng ilang netizens ang pananatiling tahimik ni Aljur tungkol sa isyu.

Simula kasi nang pumutok ang balita ay wala pa itong naging komento tungkol dito.

Komento tuloy ng ilang netizens, baka maaaring totoo ang balita kung kaya mas pinili na lamang ng aktor na manahimik.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: