AJ Raval, pinatunayang hindi buntis; nagpa-sexy sa Instagram

Usap-usapan ngayon ang latest social media post ng sexy actress na si AJ Raval.

Sa isang Instagram video, ibinandera niya ang kaniyang seksing pangangatawan habang nakasuot lamang ng isang two-piece swimsuit.

RELATED STORIES:

Ginawa niya ito sa gitna ng mga usap-usapang nagdadalantao umano siya sa anak nila ng rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

Matatandaang muling nabuhay ang isyu ng pagbubuntis umano niya matapos ang pagbubunyag ng showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Ayon umano sa source ng kolumnista, personal na inamin ni AJ ang tungkol sa pagbubuntis nito.

Ito rin ang sinasabing dahilan kung bakit natigil ang pagshu-shooting ng isang pelikula ng sexy actress.

Itinanggi naman ito ni AJ at sinabing nagpositibo siya sa COVID-19 kung kaya’t hindi pa niya natatapos ang shooting ng pelikula.

RELATED STORIES:

Mabilis na nag-viral ang nasabing IG post ni Aj at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

”Yan ba ang buntis?”

”Baka sabihin naman ni Cristy na throwback lang yan. Hahaha”

”Mag-live ka na lang kasi para mas maniwala ang bashers na hindi ka totoong buntis.”

”Flat ang tyan oh! Nasan na ang mga Marites?”

”Baka naman first trimester pa lang kaya di pa halata?”

”Lolobo din yan soon.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: