Aljur Abrenica, pananagutan umano ang ipinagbubuntis ni AJ Raval

“Kaya niya (Aljur) ‘yan, pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ.“

Ito ang naging pahayag ng showbiz columnist na si Cristy Fermin tungkol sa sitwasyon ngayon ni Aljur Abrenica kaugnay ng umano’y pagkakabuntis nito kay AJ Raval.

RELATED STORIES:

Naniniwala ang kolumnista na pananagutan naman umano ng aktor ang obligasyon nito sa sexy actress.

“Yung paninindigan tungkol sa pagkakaanak, alam kong lalaking lalaki si Aljur.

“Kaya niya yan, pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ.”

Matatandaang ilang beses na ring itinanggi ni AJ ang balita na buntis umano ito.

Ngunit pinanindigan ni Cristy na totoo ang nasabing balita.

Si AJ pa raw mismo ang umamin at nagkumpirma sa source ni Cristy.

“Ito naman ay bibitiwan natin at ito naman ay ipupusta natin ng syento porsyento.

“Totoo po mga ka-chika, nagdadalang-tao po si AJ Raval.”

“Hindi po kasi makapagsisinungaling ang mga taong malapit sa kanila, na aming source tungkol sa isyung ito.

“Totoo po na nagdadalang-tao si AJ.

“Kaya yung pelikula niyang sinimulan, hindi na itinuloy.

“Naaano lang ba ako, sayang ‘tong batang ito.”

Matatandaang kamakailan rin ay itinanggi ng manager ni AJ na si Jojo Veloso ang napapabalitang pagbubuntis ng aktres.

Ikinatuwiran nito na nasa shooting ng isang action movie ang sexy actress.

Isang pelikula kasama sina Diego Loyzaga at Angeli Khang naman ang nakapilang project ng aktres.

As of this writing, wala pang pahayag mula sa kampo ni AJ at Aljur tungkol sa rebelasyon ni Cristy.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: