AJ Raval, umamin nang nabuntis ni Aljur Abrenica?

Kinumpirma ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang pagbubuntis ng sexy actress na si AJ Raval sa anak nila ng rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

Sa kaniyang online show na Showbiz Now Na, ibinahagi ni Cristy ang kaniyang nalalaman.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

RELATED STORIES:

“Ito naman ay bibitiwan natin at ito naman ay ipupusta natin ng syento porsyento.

“Totoo po mga ka-chika, nagdadalang-tao po si AJ Raval.”

Umamin umano ang sexy actress sa source ni Cristy.

Ibinahagi rin ng kolumnista na nag-aalala umano siya na baka mayroong magsulsol sa dating asawa ni Aljur na si Kylie Padilla dahil hindi pa naman napapawalang-bisa ang kanilang kasal.

“Yung paninindigan tungkol sa pagkakaanak, alam kong lalaking lalaki si Aljur.

“Kaya niya yan, pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ.

“Ang nakaka-nerbyos, baka mamaya, may magsulsol kay Kylie Padilla.

“Hindi pa napapawalang-bisa ang kasal nila.”

Pinaninidigan rin ni Cristy na totoo ang kaniyang rebelasyon tungkol sa kalagayan ni AJ dahil hindi umano magsisinungaling ang kaniyang source.

“Hindi po kasi makapagsisinungaling ang mga taong malapit sa kanila, na aming source tungkol sa isyung ito.

“Totoo po na nagdadalang-tao si AJ.

“Kaya yung pelikula niyang sinimulan, hindi na itinuloy.

“Naaano lang ba ako, sayang ‘tong batang ito.”

Matatandaang kamakailan ay itinanggi ng manager ni AJ na si Jojo Veloso ang napapabalitang pagbubuntis ng aktres.

Ikinatuwiran nito na nasa shooting ng isang action movie ang sexy actress.

Hindi raw umano magagawa ni AJ ang mga action scenes kung totoong buntis ito.

Isang pelikula kasama sina Diego Loyzaga at Angeli Khang naman ang nakapilang project ng aktres.

Kung totoo nga ang rebelasyon ni Cristy, itong mga pelikula nga kayang ito ang tinutukoy niyang hindi na itutuloy dahil sa kalagayan ni AJ?

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: