Boy Abunda, binalewala na ang pinagsamahan nila ni Kris Aquino?

Palaisipan sa ilang netizens kung ‘friendhip over’ na nga ba ang matagal nang magkaibigan na sina Kris Aquino at Boy Abunda.

Naging usap-usapan kasi sa social media ang interview ni Boy sa controversial director na si Darryl Yap.

Si Daryl ang direktor ng Maid in Malacañang, ang pelikula tungkol sa umano’y mga huling oras ng pamilya Marcos sa Malacañang.

Tinutuligsa ng marami ang nasabing pelikula dahil sa umano’y historical distortion na ginagawa nito o ang pagbabago sa kasaysayan nang walang sapat na basehan.

Dahil dito, tinawag ng ilang netizens na ‘enabler’ si Boy dahil umano sa pagbibigay ng platform sa kontrobersiyal na pelikula.

Ipinaalala ng netizens ang pinagsamahan nina Boy at Kris na matagal nang magkaibigan.

Nagsama ang dalawa sa ilang ABS-CBN talk shows gaya ng Boy & Kris, The Buzz, at Aquino & Abunda Tonight.

Napatanong tuloy ang ilan kung magkaibigan pa rin sila hanggang sa ngayon.

Narito ang ilan sa tweets ng netizens tungkol dito.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: