Cristy Fermin, pinanindigang totoo ang balitang buntis si AJ Raval

Pinaninindigan ng showbiz columnist na si Cristy Fermin tungkol sa umano’y pagbubuntis ng sexy actress na si AJ Raval.

Pinanghahawakan niya ang kuwento ng kaniyang reliable source na si AJ pa umano mismo ang nagkumpirma tungkol sa pagdadalantao nito.

Ilang beses na ring itinanggi ng sexy actress ang balita.

Sa ulat ni Reggee Bonoan sa Bandera, ikinuwento niya ang naging pag-uusap nila ni Cristy tungkol sa isyu.

Ayon kay Cristy, napanood niya ang interview ni Ogie Diaz sa ama ni AJ na si Jeric Raval.

Itinanggi rin ni Jeric ang balita na buntis ang anak at sinabi nito na kasalukuyang nagshu-shooting ng pelikula ang sexy actress.

“Anak, napanood ko ang panayam ni Ogie kay Jeric at hindi ako nagagalit o nagtatampo, natural na ipagtanggol ni Jeric si AJ, anak niya ‘yun, pamilya sila. Okay sa akin at naiintindihan ko.

“Pero tulad nga ng sinasabi ko sa SNN at Cristy Ferminute, naninindigan ako sa source ko at hindi magbabago ang paniniwala ko.

“Hindi na bago sa akin ang mga ganitong senaryo kasi nangyari na ito dati, kay Aubrey Miles, di ba?  Ilang taon niyang itinanggi na hindi siya nanganak, kesyo nagtata-tumbling-tumbling pa siya noon para ipakitang hindi siya buntis, pero anong nangyari, after 8 years, umamin din. Malaki na ang bata at humingi siya ng sorry sa akin.

“Nauunawaan ko naman ang mga ganu’n, hindi naman ako mapagtanim ng galit, ang akin lang, paninindigan ko kung ano ang sinabi ko o ibinalita ko.

“Hintayin na lang natin pagkalipas ng ilang buwan kung anong resulta ni AJ.  Sabi ko nga, puwede niyang itanggi at karapatan niya iyon, pero ako naninindigan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Naniniwala rin si Cristy na hindi naman maitatago ni AJ habang panahon ang katotohanan.

Isiniwalat rin ng kolumnista na sa tingin niya ay dalawang buwan na ngayon gbuntis ang sexy actress.

“Siguro nasa dalawang buwan na ngayon. Hindi naman siya nagka-COVID, eh.  Tatlong beses siyang negatibo sa antigen swab test.”

Matatandaang una nang napabalitang nagka-COVID ang aktres kung kaya’t pansamantalang natigil ang shooting ng pelikula nito.

“Saka di ba sa panayam ni Ogie sabi ni Jeric ilang linggo na niyang hindi nakikita si AJ, nagkakausap lang o video call sila kaya paano niya malalaman nga? Kasi itong si AJ ay nakahiwalay na ng bahay sa kanila.  Tapos nagbiro si Jeric na if ever totoong buntis, e, di maganda at hindi pala baog ang anak niya.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: