Jeric Raval sa tsismis na buntis ang anak na si AJ: “Eh di mabuti, at least hindi pala siya baog.”

Aminado ang dating action star na si Jeric Raval na nasasaktan siya sa mga batikos na ipinupukol sa anak niyang si AJ Raval.

Hindi pa rin kasi mamatay-matay ang tsismis na nabuntis umano ni Aljur Abrenica ang sexy actress.

RELATED STORIES:

Sa interview ni Ogie Diaz kay Jeric na inilabas sa YouTube channel ng una, nagbahagi ang action star ng kaniyang saloobin tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng anak.

Mabuti na lamang daw at wala siyang social media accounts kaya hindi lahat ng pambabatikos sa anak ay nakararating sa kaniya.

“Bilang magulang, hindi mo naman maiaalis yun, na masasaktan ako.

“Sabi ko nga, hindi ko na lang binabasa, hindi ko iniintindi kaya wala. Kasi, parang kasama na ‘yan, e, pag nag-artista ka.

“Pag nag-artista ka, ready ka diyan. Hindi lahat ng tao matutuwa sa ‘yo.

“Ngayon, kung hindi ka ready diyan, hindi para sa ‘yo ‘tong trabaho na ‘to.”

RELATED STORIES:

Ayon kay Jeric, tinanong na umano niya si AJ kung bakit hindi nito sinasagot ang isyung buntis siya.

Sabi raw ng anak, nagsawa na ito kasasagot sa isyu.

“Tsaka kung buntis, e, di mabuti, at least hindi pala siya baog,” biro pa nito.

“Tsaka, ewan ko, ginagawa nilang problema yun pag ang tao buntis. Pag buntis, e, di manganak.

“Ang masama, pag buntis ka, kabuwanan mo na hindi ka pa makapanganak.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: