Mga magulang ni AJ Raval, nag-react na sa isyu ng umano’y pagbubuntis ng anak

Nagbigay na ng reaksiyon ang ama’t ina ng sexy actress na si AJ Raval kaugnay ng isyung kinasasangkutan nito ngayon.

Ilang araw nang usap-usapan ang naging rebelasyon ng showbiz columnist na si Cristy Fermin tungkol sa umanoy’ pagkakabuntis ni Aljur Abrenica kay AJ.

RELATED STORIES:

Sa guesting ni Jeric Raval sa TV5 noontime show na Tropang LOL noong Huwebes, July 21, pahapyaw na napag-usapan ang tungkol sa kaniyang anak.

Ayon kay dating action star, hindi na nito pinapansin ang mga intriga dahil nagbibigay lamang ito ng stress.

“Well, gaya noong bago-bago akong nag-aartista, pag ganoong mga intriga, pasok lang dito, labas doon.

“Kasi kasama ‘yan sa pag-aartista. Sa showbiz, kasama ‘yan.

“Kung hindi ka handa diyan, hindi para sa ‘yo itong trabaho na ‘to.”

Samantala, ang dati namang sexy star na si Alyssa Alvarez ay may cryptic post sa Facebook na tila may kinalaman sa kinasasangkutan ng isyu ng anak.

“Mabuhay po tayo ng mapayapa na walang pakialam sa buhay ng iba.”

RELATED STORIES:

Sa isa pang post, tila pasarkastiko nitong sinabi na lilinisin muna niya ang kaniyang Facebook account.

“Linisin ko muna itong FB ko, mukhang bibisitahin na naman ng mga Marites, palit dp. Kelangan maganda ako.

“Tapos Iinglisin ko na mga post ko. Wait nga. Open ko na rin ang messenger ko para maaway n’yo ko kase baka di naman makatulog mga taong ‘to.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: