Lolit Solis, sinabing walang ‘utang na loob’ si Ryzza Mae Dizon

Ibinahagi ng showbiz columnist na si Lolit Solis ang kaniyang karanasan sa ‘Eat Bulaga!’ Host na si Ryzza Mae Dizon.

Ayon sa kaniya, nakitira raw sa loob ng isang taon ang batang TV host.

RELATED STORIES:

“Ayoko sana IG ito pero hindi ko lang matiis malaman kung ano magiging sagot, Salve.

”Alam mo ba na tumira ng halos 1 year na libre sa condo unit ko si Ryzza Mae ng Eat Bulaga dahil kay Malou Fagar ?”

Ang ipinagtataka raw ni Lolit ay hindi man lang nakakaalala si Ryzza Mae sa tuwing may okasyon gaya ng birthday niya o ng Pasko.

Hindi rin daw nagpasalamat man lang ang TV host.

“Pero never nakaalala bumati ng birthday o Christmas.

“Never man lang nag thank you, kaloka ha.”

At sa kabila ng pagkakaospital ng kolumnista ay hindi rin daw ito nakaalalang mangumusta man lamang.

RELATED STORIES:

“At ngayon nga, never man lang nagparamdam na kumustahin ako, bongga.

“Para bang utang na loob ko pa na tumira siya ng libre sa condo unit ko ha.

“Ayaw ko isumbat, naisip ko lang bigla kasi napanuod ko siya.

“Meron pala ganuon tao hindi naalala mga bagay na nagawa mo sa kanila, basta ganuon lang, parang hangin dumaan.

“Ok lang, wala naman problema, malay mo one day ako naman makitira sa bahay ni Ryzza Mae hah hah hah”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: