Vice Ganda at Bayani Agbayani, muling ‘nagsagutan’ sa live TV?

Sagot nga ba kay Bayani Agbayani ang naging litanya ni Vice Ganda sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime sa June 27 episode nito?

Ito ang naging tanong ng netizens na tila nakapansin na tila may pagkakatugma ang sinabi ng Unkabogable superstar sa pagpaparinig umano ng Tropang LOL host na si Bayani.

RELATED STORIES:

Matatandaang binigyang-kahulugan ng netizens ang dasal ni Bayani sa isang episode ng kanilang noontime show.

Ani Bayani, “Lord, maraming salamat po sa humility na binibigay n’yo sa amin… Huwag N’yo po kaming hayaang maging hambog o mayabang. Lagi po kaming magpapakumbaba at tutulong sa aming kapwa dito po sa industriya at sa labas ng industriya.”

Mabilis na nag-viral ito at inisip ng netizens kung si Vice nga ba ang tinutukoy nito sa mga salitang ‘hambog’ at ‘mayabang’.

Sa episode naman ng Kapamilya show, may litanya si Vice tungkol sa pagdarasal.

Ani Vice, “Hindi masama na mangarap, hindi masarap ang mag-wish. Isabuhay natin ‘yan. ‘Yung araw-araw meron tayong binubuo na plano sa buhay

“Kung mangangarap na rin lang tayo, lakihan na natin. Lalo na kung magdadasal tayo kay Lord.

“Basta dapat sincere… I-manifest lang ang mga pinakahinihiling ng inyong puso at baka naman ngayong araw na ito matupad ang mga ipinagdarasal n’yo basta dapat sincere.”

Matatandaang nagsimula ang isyu sa pagitan ng dalawang TV host dahil sa sinabi ni Bayani tungkol sa ‘overtime’.

“Batiin lang natin si Direk, lahat ng staff kasi talagang kahit kailan hindi tayo nag-overtime. Very good. God bless,” saad ni Bayani.

At sa isang episode naman ng It’s Showtime ay may sinabi si Vice sa mga taong umano’y nakikisali.

“Kaya dapat hindi lahat nakikisali ha. May kilala tayo nakikisali. Mga nagpaparinig, ba’t ka nagpaparinig, hindi ka naman kasali?”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: