Bea Alonzo, inokray ni Lolit Solis; mukha raw tiyahin ni Alden Richards

“Paano na mangyayari kay Bea Alonzo lalo pa nga at kitang kita mo na mukha siyang older kay Alden Richards sa ginagawa nilang serye?”

Ito ang naging pahayag ng kolumnista na si Lolit Solis tungkol sa aktres na si Bea Alonzo kamakailan.

Kasalukuyang pinaghahandaan ni Bea ang isang proyekto kung saan makakatambal nito si Alden Richards.

Ito ang Pinoy adaptation ng KDrama na Start-Up sa GMA-7.

Para kay Lolit, tila hindi bagay na magtambal ang dalawa dahil mukhang mas matanda umano na si Bea kaysa kay Alden.

“Kaya nga hindi mo makuhang kiligin dahil mukha silang mag Tita, very yummy si Alden, at mukhang sweet Tita si Bea.”

Ikinuwento rin ng kolumnista na mabuti na lamang at wala siya sa press conference ni Bea kamakailan.

Ayon sa kaniya, naghintay daw ng dalawang oras ang mga reporters sa naturang presscon.

“Buti na lang wala tayo sa presscon, kundi maraming kape maiinom natin dahil late si Bea Alonzo ng 2 oras, at aantukin tayo sa mga eklay na sagot niya sa mga tanong sa presscon.”

Ikinuwento rin niya ang aniya’y dahilan ng pagkaka-late ni Bea sa sariling presscon.

“Kaya pala nagtatagal sa make up room dahil talagang dapat ayusin mabuti ang make up dahil nga sa mga wrinkles sa mukha at leeg na dapat takpan para hindi mahalata ang edad ni Bea Alonzo.”

Agad namang umani ng iba’t ibang reaksiyon ng netizens ang nasabing mga tirada ni Lolit tungkol sa aktres.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

”Coming from you talaga? Hahahaha!”

”Regaluhan ko kaya ng salamin itong si Lolit?”

”Ang laki ng pagka-imbyerna nitong si Manay Lolit kay Bea. Di ba naaabutan ito? Haha”

“Sa ‘yo pa talaga nanggaling yung tungkol sa wrinkles? Lol”

“May nakikinig o nanonood pa ba sa show ng reporter na yan?”

”Papansin na naman si Manay.”

“Dapat pag ganyang edad na, gamitin na lang sa magagandang bagay ang mga natitirang oras.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: