Cristy Fermin, sinabing inggit lang si Lolit Solis kay Bea Alonzo?

Pinapurihan ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Kabaligtaran ito ng mga sunod-sunod na tirada laban kay Bea ng kilalang kaibigan ni Cristy na si Lolit Solis.

RELATED STORIES:

Sa kaniyang radio program na Cristy Ferminute, nagbigay ng kaniyang saloobin si Cristy tungkol sa mga bashers ng aktres.

“Marami palang pupwedeng maging dahilan para hindi maging maganda ang panlasa ng marami kay Bea Alonzo.

“Sabihin na natin, o sige na nga, diretsuhin na natin, inggit na nga.

“Aba naman, itong batang ito nabantayan ang kanyang kinikita. Kumikita na ngayon ‘yung Beati Firma niya sa Zambales. Namumunga na ang mga itinanim nila do’n.

“Pangalawa, napaayos ‘yung kanyang bahay. Nakabili pa ng bahay sa Madrid, Spain.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

“Eh isipin mo naman, ang tindi naman ng puhunan ng batang ito. Napakaganda, sa edad niya ngayon, alagang-alaga niya ang kanyang kagandahan. Tapos ang galing umarte.

“Inaabangan na nga natin ‘yung proyekto nila ni Alden Richards, ‘di ba? ‘Yung ‘Start-Up‘.

“Kaya tama lang ang ginagawa ni Bea, no to negativity. ‘Wag pumansin ng mga nangne-nega.

“Alam mo ‘yung mga nangne-nega ‘yun ang wala e, ‘yun ang kulang. ‘Yun ang hindi secure kaya naghahanap sila ng bubwisitin.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

RELATED STORIES:

Matatandaan na sunod-sunod ang mga naging tira ni Lolit kay Bea.

Sinabihan niya si Bea na mukhang tiyahin ni Alden Richards na katambal nito sa bagong GMA-7 series.

Ikinumpara rin niya si Bea kay Marian Rivera at sinabing mas mukha pa itong nanay.

Nagtataka tuloy ang ilang netizens kung bakit magkasalungat ang mga pahayag nina Cristy at Lolit tungkol kay Bea.

May namumuo raw bang alitan sa pagitan ng tinaguriang dalawang lider ng mga Marites?

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: