Lolit Solis, na-ospital; tinablan na umano ng ‘sumpa’ ni Bea Alonzo

Kinailangan umanong ma-confine para sa monitoring ng kaniyang kalusugan ang showbiz columnist na si Lolit Solis.

Sa kaniyang Instagram post, ikinuwento niya ang kaniyang kasalukuyang kalagayan.

RELATED STORIES:

Ngunit sa kabila ng sitwasyon niya ngayon, tila hindi pa rin siya tumitigil sa mga tirada niya sa Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Matatandaang ilang beses na rin niyang tinira ang aktres sa ilang Instagram posts niya sa nakalipas na ilang linggo.

“Tinablan na ako ng sumpa ni Bea Alonso, Salve, hah hah hah joke joke ni Leo Espinosa. Talagang kailangan ko ng ma confine para sa monitoring ng aking health.

“Pero dahil sa love ninyo nila Gorgy at Jerry, heto at puwede na naman ako magmaldita.

“Sorry Bea, mas malakas ang charms ni Leo, Gorgy at Salve, kaya heto, back to normal uli ako sa sweetness ko sa iyo, kahit itanong mo kay dra. Evangelista , type ka niya, dahil sweet ka daw, charot🤣”

RELATED STORIES:

Sa isa pang IG post, pabiro niyang sinabi na tinablan na umano siya ng ‘kulam’ ng aktres.

“Dahil nga tinamad ako mag IG ng isang araw, ang dami nag akala na may sakit ako.

“Baka tinablan na ako ng kulam ni Bea Alonzo sabi ni Leo Espinosa, joke joke joke.

“Ganuon pala iyon, wala na akong karapatan tamarin dahil duon na yata ako kinukumusta ng mga friends ko.

“Promise po, pilitin ko na mag post kahit tamad tamaran school of acting ang drama ko kung minsan.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: