Bea Alonzo, ‘kinulam’ umano si Lolit Solis?

Usap-usapan na naman ang Instagram post ng showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis.

Sa kaniyang post, ibinahagi niya ang naging epekto sa kaniya ng pag-inom ng sleeping pills.

RELATED STORIES:

“Naku Salve hah ! Huwag kang iinom ng sleeping tablet para makatulog.

“Ang pangit pala ng side effect nito, ang tamad mo paggising, para kang nanghihina.

“Hindi na ako iinom nito at pilitin ko na lang makatulog pag kailangan.

“Hayan tuloy, muntik na naman ako hindi makapag IG eh number 1 ko follower si Leo Espinosa na talagang naka monitor sa IG posting ko.”

Nagpasalamat siya sa mga kaibigan niyang laging inaalala ang kalagayan niya.

Dagdag pa niya, ang GMA-7 actress na si Bea Alonzo lang naman umano ang sasaya pag nawala siya.

RELATED STORIES:

“Talagang appreciate ko ang mga friends na lagi na ay inaalala ang condition ko. Dahil si Bea Alonso lang naman ang sasaya pag nawala ako…

“kaya Sorry Bea, mas malakas prayers nila Leo Espinosa , hah hah hah.

“Kaloka talaga na kahit nanghihina ako si Bea Alonso parin ang nasa utak ko.

“Bongga siya ha, lakas kulam niya sa akin, joke joke joke😇”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: