Lolit Solis: “Bakit hindi na mukhang fresh at yummy si Bea Alonzo?”

Tila hindi pa rin tapos ang sunod-sunod na tirada ng showbiz columnist na si Lolit Solis sa Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Sa isang panibagong Instagram post ay may bago na naman siyang patutsada sa aktres.

Ayon sa kaniya, tila wala nang ningning si Bea at hindi na nasasabik ang mga tao na mapanood ito sa telebisyon.

RELATED STORIES:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

“May nagsasabi na parang wala ng ningning si Bea Alonzo dahil para naman hindi masyadong excited ang tao sa paglabas niya sa TV.”

Muli na naman niya itong ikinumpara kay Marian Rivera.

“Mas nanduon pa ang excitement sa pagsasama nila Dingdong Dantes at Marian Rivera sa ditcom na Jose at Maria, bonggang Villa.

“Kasi nga ewan ko ba kung bakit hindi na mukhang fresh at yummy si Bea Alonzo, baka dahil narin sa edad niya at lagi ngang nasa isip mo na pinalitan ni Gerald Anderson ng mas batang Julia Barretto kaya tuloy ang lagi mo naiisip, baka dahil old na si Bea at young si Jullia kaya na ghosting.”

Kamakailan lamang ay sinabi rin ni Lolit na mas mukhang nanay pa si Bea kaysa kay Marian na mayroon nang dalawang anak.

RELATED STORIES:

“Sayang kasi there was a time na inaakala ng marami na mala Diyosa ang ganda ni Bea pero hayun nga, iniwan sa ere.

“Dapat sa edad niya meron na siyang asawa at mga anak, pero single parin kaya nagtatanong ka, ano dahilan ?

“Sana naman makakita na siya ng tunay na magmamahal sa kanya para hindi siya maging bitter sa buhay.” 

“Ihanap nyo nga ng partner Salve at Gorgy, elegible at available si Bea Alonzo, please alukin nyo na ng kasal para makahabol pa sa last trip at magkaruon pa ng mga babies. Please”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

* * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

One thought on “Lolit Solis: “Bakit hindi na mukhang fresh at yummy si Bea Alonzo?”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: