Lolit Solis, nagkuwento sa pagiging ‘hopeless’ sa pagkaka-ospital; gusto nang sumuko?

Nasa ospital pa rin ang showbiz columnist na si Lolit Solis dahil sa kaniyang pagkakasakit.

Sa latest Instagram posts niya ay nagbigay siya ng updates tungkol sa kaniyang kalagayan sa ngayon.

Ibinahagi niya na halos umabot siya sa punto ng breakdown dahil sa pagkaka-ospital.

“Siguro nga dahil iba ang hospital feeling kaya almost to the point of breakdown ako…

“Either iyon ang epekto ng dialysis or sakit ko pero parang feeling hopeless ako.

“Down na down at parang sensitive na sensitive.”

Kinailangan niyang sumailalim sa dialysis at mayroong tubig sa kaniyang baga.

“Pero in fairness, pag nakikita ko kayo Salve at Gorgy, plus iyon cheerful na medical staff parang uplift na naman spirit ko.

“Kaya nga nag request ako Salve na hayaan mo lang ako mag IG para meron akong pinaglalabasan ng expressions ko.

“Hindi ako enjoy manuod ng kahit ano, sakit ang mga mata ko magbasa, kaya IG na lang outlet ko.

“Lalo na pag nasa dialysis ako na 4 hours nakababad, kaloka talaga.”

Pakiramdam daw niya ay hinang-hina siya at nawawalan ng motivation.

“Nawala iyon pagiging Wonder Super Woman feeling ko at talagang bigla feeling hinang hina ako.

“Buti na lang hindi ako gaanong nawalan ng sense of humor kaya natanggap ko na lang talagang pag 75 ka everything goes, hah hah, pati sa life, pasang awa ang 75. Grabe.

“Huwag sana totally mawalan ako motivation, or else, susuko na ako.”

Sa isa pang post, inamin ng kolumnista ang pagiging ’emotionally weak’ sa ngayon.

“Siguro Salve iba talaga pagnagka sakit ka.

“Iyon feeling na parang hopeless ka pag emotionally weak ka puwede kang makaisip ng masama.

“Napaka importante talaga ng support group dahil iyon nagpapalakas talaga ng loob mo.”

Nasa ibang bansa raw ang dalawang anak niya at may kani-kaniyang pamilya naman ang mga pamangkin niya.

Mabuti na lamang daw at may sisiter-in-law siya na nag-aasikaso sa kaniya ngayon sa ospital.

“Minsan nga nalo lowbat ako dahil feeling ko mag isa lang ako.

”Sa isang linggo ko sa hospital para bang isang taon na iyon, hah hah.

“Kaya nga mahal na mahal ko mga friends ko na nandiyan sa tabi ko pag may ganitong problema. Forever grateful talaga. Salamat😘

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: