CONFIRMED: ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, magwawakas na ngayong Agosto

Kumpirmado na ang pagwawakas ng FPJ’s Ang Probinsyano ngayong buwan ng Agosto.

Ito ang ibinalita mismo ng bida at direktor nito na Coco Martin sa isang special announcement ngayong gabi, July 22.

RELATED STORIES:

“Mga ka-probinsyano, dumating na po ang oras.

”Ang programang minahal ninyo nang pitong taonay nalalapit na po ang pagtatapos.

Malungkot man na tayo ay maghihiwalay, pero walang hanggang pagpapasalamat ang aming nararamdaman.”

Ang FPJ’s Ang Probinsyano ang itinuturing na longest-running teleserye sa kasaysayan ng Philippine TV.

Unang umere ang serye noong September 2015 at nanatiling matatag sa timeslot nito sa ABS-CBN Primetime Bida.

Kabilang sa mga naging bahagi ng cast sina Angel Aquino, John Arcilla, Geoff Eigenmann, Shaina Magdayao, John Pratts, Lorna Tolentino, Michael De Mesa, Raymart Santiago, Rowell Santiago, Tirso Cruz III, at marami pang iba.

Napabilang din sa serye ang mga premyadong artista na sina Eddie Garcia at Susan Roces.

Sa loob ng halos pitong taon nito sa ere, nagpapalit-palit na rin siya ng leading lady.

Kabilang sa mga naging ka-partner niya sa serye sina Maja Salvador, Bela Padilla, Yassi Pressman, at Julia Montes.

Maging ang mga naglalakihang bituin ng showbiz ay napabilang sa serye bilang mga special guests.

Kasama na rito sina Charo Santos-Concio, Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Anne Curtis, Angelica Panganiban, Richard Gutierrez, Vice Ganda, at marami pang iba.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: